Chapter 21

59 2 0
                                    

Hinatid nina Tricia at Stefan si Mommy Trina sa hotel dahil sumasakit raw ang ulo nito. 

Ako nama'y kay Tristan at Shasnie parin nakatingin. Inis na naupo ako. 

"Tsk ! Ang landi talaga" hindi napigilang sabi ko habang pinagmamasdan ang dalawa. 

Napapitlag ako ng may sumiko sakin . 

Si mike habang umiinom ng beer. 

"Ang aga pa ah. " aniko kay mike. Pinahid nito ang bibig. 

" Pampawala ito ng inis " anito na hindi sakin nakatingin. 

Napatingin ako sa tinitingnan nya. Sa gawi nila Tristan at Shasnie ito nakatingin. 

Napasimangot muli ako ng pa-pa ahon na si tristan pero si Shasnie pilit pa rin itong inaaya sa tubig. 

Naniningkit ang matang kinuha ko ang beer na iinumin sana ni mike saka nilagok iyon. 

"Hey " natatawang awat nito na kinuha muli ang beer sakin. 
"Sabi mo maaga pa. Eh bat ininom mo. " 

"Mas mabuti pang uminom kesa makapatay. " 

Natawa ito. 
"Gusto mo tulungan kitang na paglayuin sila ?" Sumeryoso ng sabi nito na tumingin sa dalawang umahon na at papalapit na samin. 

Napatingin ako sa kanya. 
"Paano ? " 

"Babe !" Napalingon ako sa tumawag. 
Si Tristan. 
Napatayo ako ng makalapit ito. 

"Im sorry , nagpaturo pa kasi si Shasnie lumangoy. " ani Tristan sakin. 

Tumango na lamang ako kahit ang totoo'y nang-gagalaiti ako sa inis kay Shasnie na ngayo'y nakataas ang kilay na nakatingin kay mike. 

"Tsk. Hindi mo na dapat tinuruan yan.pare. ".ani mike na pinatong sa mesa ang beer na hawak. 

"Magaling kayang lumangoy yan , swimmer pa nga yan eh. " 

Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Shasnie. 

"Talaga ?" Di makapaniwalang tanong ni Tristan 

Alanganing tumango si Shasnie. 
"Yes ,pero that was a long time ago. " 

Bitch talaga. Swimmer pala . Echos mo . Long time ago ka pang nalalaman. Buhusan kaya kita ng beer. 

"Babe, okay ka lang.? " si Tristan sakin. 

"Ah , oo naman hubbybabe. Okay na okay ako. " peke kong sagot. 

Mas peke pa sa playmoney. 

"Good . ! Tara swimming tayo. " anito sakin. 

"Okay . " alanganing sabi ko. 

"Magsu-swimming ka ng ganyan ang suot ? ? " ani Shasnie na ngumiwi. 

"Hindi ah. Atat ka ? Maghuhubad pa nga lang eh ? "Di ko napigilang sabihin. 

Kaloka. Atat lang ? Papektusan kaya kita kay Barney ?. Hmp 

Hinubad ko na ang damit na ipinam-patong ko sa two piece na suot saka inalapag iyon sa bag na pinaglagyan ng two piece. 

Nang ibaling ko ang tingin kay Tristan , i saw admiration in his eyes ,same with Mike habang nakatitig sakin. 

Ayyiee. Haba ng hair ko. Hmp. Sorry ka na lang Shasnie . Maputi ka lang pero Obvious na mas makinis ako kesa sayo. 

" You're beautiful "ani Tristan as if mesmerized. 

"Oo nga ,napaka-sexy mo pala. " ani naman ni mike . 

Nahagip pa ng mata ko ang bahagyang pag-irap ni shasnie. 

"Ehem. Tao ako ha. Hindi ulam " pagbibiro ko. 

Natawa ang dalawa. " tara na " ani Tristan na hinawakan ako. 

"Kayo ba ? " tanong nito sa dalawa. 

"No thanks. Im tired na eh " ani shasnie na naupo na at pinagpag ang buhok. 

Napatingin naman kami kay mike. 

"Dito na lang din ako. Kawawa naman itong si Shasnie baka mapanisan ng laway " ani mike. 

"Huh ! Sumama ka na , dahil mas gugustuhin kong mapanisan ng laway kesa makausap ka . Bastard." Irap na sabi ni Shasnie. 

" Bat ba high-blood ka ? Menopause ka na ba ? " pang-aasar ni Mike. 

"Kung menopause ako , huh ! Kumusta ka naman , andropause ? " sagot nito. 

Hmn ? May something ba sa dalawa. 

"Hep , labas kami dyan ha ." Si tristan na inakay na ko. 

"Hubbybabe --- ?" 

"Kung ano man yang gustong itanong ng isip mo . Oo , tama yan " putol nito sa sasabihin ko. 

Kung ganun may something nga. 

"Wag mo na silang isipin . Ang isipin mo , tayo . "Ani Tristan. 

Napangiti ako. 

Nanlaki ang mata ko ng buhatin nya ako at tumakbo sa tubig. 

"Tristan ! Oh my ! Aaaahhhhh " tawang tili ko ng sabay kaming bumagsak sa tubig.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon