Chapter 24

56 2 0
                                    

Matapos mag ihaw ay nagpasya akong maglakad-lakad muna. 

Wala ako sa mood makihalubilo ngayon . Gusto ko ng katahimikan.

Sana kasi hindi na lang sinabi ni Shasnie yun. Naguguluhan tuloy ako. 

Napayakap ako sa sarili ng maramdaman ang malakas na hangin. 

Nagpasya akong bumalik sa cottage . 

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng matanawan sina Tristan at Tricia sa may kahoy na upuan malayo sa iba. 

Out of curiousity ,.lumapit ako.ng bahagya sa kanila at nagtago sa isa pang katabing cottage ng inuupuan nila. 

"Kumusta kayo ni Ate Chelsea ?" Si tricia. 

"Okay lang. " tipid na sagot ni Tristan . 

Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita ang expression ng mukha nila.

"What about your first love kuya ? Nakalimutan mo na ba sya ?" 

Hinintay ko ang sagot niya pero hindi ito sumagot. 

Bakit hindi ka makasagot . Naiiyak ng sambit ng utak ko. 

"Bakit hindi ka makasagot " 

Im glad na naisatinig ni Tricia ang nais ko din itanong. 

"Dahil hindi ko naman talaga sya nakalimutan. At malabong makalimutan ko sya." 

Napahikbi ako. Tinakpan ng mariin ang bibig. 

" Do you still love her ? " ani Tricia na tumingin sa kapatid. 

Matagal bago ito sumagot. 

"Yes. " 

Sapat na ang sagot na iyon para umalis ako sa kinapupwestuhan ko . 

Patakbong bumalik ako sa hotel. Saka umiyak ng umiyak sa higaan. 

Sabi nila pag na-inlove ka , magiging masaya ka. Pero bakit hindi ata ako na-inform na may ka-akibat din pala iyong pagiging masaya ,yun yung masaktan. 

Sobrang sakit palang ma-inlove sa isang taong iba pala ang gusto. What a one sided love . 

Kung ilang oras akong umiyak . Hindi ko alam. 

Narinig ko pa ang pa-ulit ulit na pag doorbell at pagkatok sa labas. Wala akong balak pagbuksan iyon. itinakip ko ang unan sa ulo saka umiyak muli. 

Napapitlag ako ng mag ring ang cellphone. It was Tristan. 

Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin o hindi. Ang una ang pinili ko. 

"Wiffybabe, nasan ka ? " . Halata sa tinig nito ang pag-aalala. 

Ibig kong mapahagulgol muli ngunit pinigilan ang sarili. 

"Dito na sa kwarto. Inaantok na kasi ako. " aniko sa namamaos na tinig. 

"Umiiyak ka ba ?" 

"Hindi. Nakatulog na kasi ako then nagising lang sa tawag ko kaya ganito ang boses ko " pagsisinungaling ko. 

"Okay , sige matulog ka na nang makapag-pahinga ka na. good night wiffybabe." 

"Okay. Good night." 
Aniko saka in-end na ang call. 

Isa pang narealize ko pagdating sa love. Ang maging sinungaling. Yung sabihing okay ka kahit hindi naman. 

Napaiyak muli ako.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon