Chapter 23

62 2 0
                                    

Gabi na . 

Napag-usapan namin mag barbeque sa gilid ng cottage. Anim kami na naroon. Sina Mike , Shasnie , Stefan , Tricia , Tristan at ako. 

Nagboluntaryo akong mag-ihaw kasama si Tricia. While ang iba'y umiinom na ng beer. 

"Tricia , ako na dito . Kaunti lang naman to eh. " sabi ko kay Tricia habang nagpapaypay . 

"No ate , i'll help you. " 

"Hindi na ,ako na nga . Kakakasal mo lang kaya dapat magbuhay prinsesa ka muna ngayon okay " aniko na kinuha ang inaayos nitong barbeque. 

"Hmn . Sige na nga. " nakangiting sabi nito saka nakihalubilo muli sa iba. 

Pinahid ko ang pawis sa noo dala ng init saka binaliktad ang mga inihaw. 

" Want some help. ? " 

Napalingon ako sa nagsalita. Si Shasnie. Napangiwi ako. 

"Hindi na " tipid kong sagot. 

Baka mamaya imbis na okay ang pagkakaluto ,maging sunog dahil sayo. 

"I insist . " anito na inayos ang mga naluto na sa plato. 

Anong nakain nito?. 

" Kumusta kayo ni Tristan ? " basag nito sa katahimikan. 

Hmp. kaya naman pala tumulong para maki-chismis. chismakers din.
" okay naman ". 

Tumatango -tango ito. 
"Kayo na ba ? " 

Sasagot sana ako ng oo ng mapa-isip ako . Kami na nga ba ? Oo , sinabihan niya ako ng i love you .pero Pwede na bang dahilan yun para isipin kong kami.? 

"Ba't hindi ka makasagot ." Anito na hinintuan ang ginagawa saka tumitig sakin. 

Umiba ako ng tingin. Malakas na pinaypayan ang iniihaw. 

" If I were you , kaklaruhin ko sa kanya lahat . Mahirap ng mag-assume. " 

Nag-aassume nga lang ba ako ?. 
"He told me he love me. " wala sa loob na sabi ko. 

She smirked. "Madali lang sabihin ang salitang 'i love you ' , pero mahirap iyon panindigan." 

Napatingin ako sa kanya. 
"Anong ibig mong sabihin.? " 

" All im saying is , make him prove to you that he really love's you. " 

"Paano ?" 

"Check his wallet . Naroon ang picture ng totoong first love niya . Once na tinanggal niya iyon at palitan ng litrato mo ,it means ,he really love's you. But if he still dont , wag ka ng umasa " anito na tinapos ang ginagawa .

"I dont believe you " nasabi kong bigla na nakapag-pahinto sa kanya. 

"Just as I dont . Hindi ko to sinasabi sayo para sirain kayo. Sinasabi ko ito ,dahil mahirap umasa sa isang tao na akala mo mahal ka ,pero hindi naman pala. Believe me girl , napagdaanan ko yan. " 
ramdam ko ang lungkot sa tinig niya bago ito bumalik sa cottage. 

Napaluha ako. Kung sa usok ba o sa sinabi niya. 
Picture ng first love ? . 

Sana nga hindi ako nag-a-assume lang . Kasi ngayon pa lang na naiisip ko , sobrang nasasaktan na ako. 
What more kung totoo nga. 

"Babe okay ka lang ?" Si Tristan.

Tumalikod akong bigla saka pinahid ang mga luha.

"Okay lang " aniko saka humarap dito. 
"Mausok kasi kaya napapaluha ako. " nangingiting sabi ko saka pinunasan ang ilong ng panyo. 

Ngumiti ito.
"Good , akala ko nag-e-emote ka kasi ikaw lang mag-isa. " 

"Baliw " . ngiting sabi ko na hindi naman umabot sa mata. 

Im glad at gabi na kaya hindi nito napansin. -

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon