Chapter 17

55 2 0
                                    

Mabilis ko lang nahanap ang restaurant na tinutukoy ni tristan dahil agaw pansin nga naman ang disenyo niyon sa labas. 

Malaking mickey mouse ang pagkaka design ng restaurant ,malapit iyon sa resort kaya naman dinadagsa ng tao. 

Pumasok na ako sa loob. Kung magandang tingnan sa labas. Mas maganda ang loob. Ang lahat ng dekorasyon ay puro mickey at minnie mouse ,mula sa upuan na korteng nakaupong mickey ang para sa lalaki at minnie naman para sa uupong babae. Pagtingala mo sa taas ay mga naka baliktad ding cast ng mickey mouse. 

Isang waiter ang sumalubong sakin. 

"Good Morning Mrs. Osores , naghihintay na po si Mr. Osores sa inyo. " anito na lumakad kasunod ako. 

Mrs. Osores? . Ako ba talaga ang expected person nun oh si mommy Trina ?. 

Sa second floor ng restaurant nya ako dinala. Maraming lovers ang naroon . 

Sa pandulong mesa ay natanaw ko si Tristan . Prenteng naka-upo. Lumapit ako sa kanya.

"Hi. "Sabi ko. 

"Bagay sayo ang dress " nakangiting puna nito. 

Tumayo ito at inalalayan akong maupo. 

Hmmmnn. How gentleman. 

"Ang cool ng place na ito.. " namamanghang sabi ko na inilibot ang tingin sa paligid. 

Simula ngayon fan na ako ng mickey mouse. 

"im glad you like it. Pero mas magugustuhan mo ang food dito.Mag order na tayo " anito na binuklat ang menu. 

Tumingin muli ako sa paligid , maraming lovers pero maraming solo flight din at kadalasan ay puro babae na pawang nakatingin sa iisang direksyon. Kay tristan. 

Nakasimangot na Napatitig ako kay Tristan. 

"Bakit ?" Anito ng mapansing nakatitig ako sa kanya. 

"Hubbybabe may helmet bang tinda dito ?" Bigla kong tanong. 

Natawa ito. " anong klaseng tanong yan. Saang restaurant ka nakakita na nagbebenta ng helmet . " anito na natatawa pa rin. 

Foolish question nga naman. 

"Bakit mo nga ba naitanong yan ?" Anito ng mahimasmasan. 

"Bibili sana ako at ilalagay ko sa ulo mo. Para wala ng makakita pa ng mukha mo . " Natawa muli ito

. " Hayaan mo ,next time magdadala na ako ng mascara ." Anito na nakangiti. 

Umiling ako.
" Wag na ,ako na lang para sure na hindi makalimutan. Mahirap na. " aniko na binuklat ang menu. 

"Nagseselos ba ang wiffybabe ko.? " 

"Hindi ah .! Feeling mo" Defensive kong sagot. 

"Hindi daw eh halata naman. " nakangising sabi nito na tinawag ang waiter. 

Hmp ! Sarap hagisan ng granada yung mga babaeng tumitingin kay Tristan. 

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon