Chapter 11

62 2 0
                                    

Inabot ko ang kamay ko sa kanya.

" ang corny mo palang bumanat " aniko para mawala ang kabang nararamdaman.

Kung ganito lagi ang epekto ng mga kataga nya sakin , baka bukas patay nako.

Patay na sa sobrang kilig . !

" Just walk and think as if youre a queen . " anito na inayos ang pagkakatayo ko.

Binitawan nya ako at umatras ng kaunti.
" Now , walk ."

Marahan akong lumakad. Napansin kong ngumiti siya. Napatingin ako sa kanya .

" kung ganyan ang lakad mo , baka bukas ka pa makarating sa kasal. " anito na pilit itinatago ang obvious namang ngiti.

Napasimangot ako saka padabog na lumakad papunta dito para lamang matapilok.

In instant . Nasa bisig na agad niya ako.
Gosh ! Dati tatanga tanga ang tawag ko sa mga taong bigla na lang natatapilok tapos sasaluhin ng lalaking katabi.

Kung ganun , tatanga tanga din ba ako ?.
Ibig kong batukan ang sarili. Mabilis na tumayo at lumayo.

" Pwede bang flat sandals suotin ko.? May dala kasi . Baka lang pwede. " 

" Ikaw bahala , kaya lang baka pag nag flat ka , baka hindi ka na makita. " grin.

"Bakit naman ? " inosente kong tanong .

" Lahat dun matatangkad , lalo pa't naka -heels . Samantalang ikaw ." anito na ibinitin ang salita.

Tinitigan ko siya ng masama. 

" Noon ko pa sinasabi sayo na kung pandak , anong pang tawag sa mas maliit sakin , dugyot na naman ?. "

Natawa ito . " wala akong sinasabi ngayon " anito ang ang dalawang kamay ay inilagay sa bulsa.

I smirked. " tsk. Pasensya na huh. Expired na kasi yung cherifer na nainom ko . Pati yung star margarine na nilantakan ko. " aniko na ngumiwi.

Napahalakhak ito .

"You never failed to amuse me , wiffybabe."

"Wiffybabe mong mukha mo. matapos kang mang-asar mag wa-wiffybabe ka. "
Aniko. Pakipot slight.

" bAkit ayaw mo ? " tudyo nito.

"Neknek mo. "

Napahalakhak muli ito.

" oy. Baka kabagan ka. Ikaw din. " aniko sa kanya na tumatawa pa rin

Tumigil ito sa pagtawa pero nakangiti parin.
" Okay lang kahit kabagan ako , hindi naman mabaho eh. "

Ano daw ? . Mabaho ? Napaisip ako. Nanlaki ang mata saka muling namula nang maalala ang nangyari kagabi.

"Wag ka ng mahiya . Lahat naman tayo nagagawa yun. Hindi nga lang ganun kabaho."

Napatingala ako sa kanya.
"Saan ka naka-amoy ng mabangong utot ha. " singhal ko sa kanya.

" yung akin . Amoy baby cologne. "

"Yuck .feeling mo. Hayaan mo sa susunod na pag utot ko ,lalagyan.ko.ng afficionado. Hmp ! Umalis ka na nga. Hindi ka naman nakakatulong sa heels ko."

"Halika na. Sabay na tayong lumabas." Anito na pinilit akong tumayo.

"Ayoko. Mamaya na ako." Pilit na binabawi ang kamay na hawak nito.

"Sige ka pag di ka tumayo, bubuhatin kita." Banta nito.

"Huh ! As if naman kaya mo ". Hamon ko.

Napasinghap ako ng pangkuin niya akong bigla. 

" Tristan , ibaba mo ako !" Aniko na pinanlakihan sya ng mata.

" Where's the endearment wiffybabe. " anito saka lumabas na pangko parin ako ..

"Oh my G ! Tristan , sige na ibaba mo na ako . " aniko na pilit bumababa. 

Kaso nasa hagdan na kami. Pag pumalag pa ako , Saan naman kami pupulutin nun.

"Kuya agaw eksena ka talaga. " ani Tricia na nakatawa.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon