Chapter 7

75 2 0
                                    

Dinampot ang unan sa tabi at binato dito.

"Hey ! .bat namamato ka?" anito na sinalag ang unan.

Impakto ! Nagtanong pa.Tinitigan ko siya ng masama.

"Kung makatingin ka kasi parang gusto mo silang mameet.kaya inunahan na kita,may meeting sa konseho kaya busy sila." anito na lalong nang-asar.

Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Paki ko kung ayaw dumungaw ng konsehal at mayor na yan ,at kung nasa meeting sila." angil ko sa kanya.

Dadampot pa sana ng unan ng mabilis na lumapit ito at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Bitiwan mo ko."

Nangiti ito.

"At kung ayaw ko ?"hamon nito.

"Hahalikan kita."banta ko.

Natawa ito.

"Sa tingin mo ba matatakot mo ko sa banta mo." anito saka ako kinabig.

Kung napasinghap man ako ay di ko alam. Basta ang alam ko lang tila tumigil lahat sa paligid, at ang tanging gumagalaw lang ay mga labi nito sa mga labi ko.God ! He was kissing me, not just a smack kiss.

Kung di dahil sa isang kamay nito na nakapulupot sa bewang ko ay baka tumumba na ako. Nanghihina ang tuhod ko.

------------------------

Author : SPG-medyo lang.  :)

Patnubay ng ninuno ay kailangan.  . :D

------------------------------

Namanhid ata buong katawan ko sa sobrang dami ng kuryenteng nararamdam ko.

Nadismaya ng bahagya itong lumayo at tumitig sakin. I saw something in his eyes- a shade of passion. Napalunok ako.

He cupped the back of my head and soon enough,his mouth claimed mine.I automatically parted my lips and welcomed his kiss.Banayad ang galaw ng mga labi ko, tinatantya kung paano ba tumugon.

His lips were warm and pliant.The kiss felt so great.May kakaiba sa paraan ng paghalik nito at sa klase ng sensasyong dulot niyon sa bawat himaymay ng katawan ko.

Mas lumalim at uminit pa ang halik nito na tinutumbasan ko ng kaparehong init.

Biglang bumukas ang pinto.

"Ate, kuya" napahinto si tricia sa nakita.

Naitulak ko ng bahagya si Tristan na halatang ayaw pang tumigil.

" Gusto ko lang sanang sabihin na aalis na si Stefan."Anito na bahagyang umatras. "Kuya,next year na kayo ha,ayoko sukob.tuloy nyo na ulit yung ginagawa niyo." kumindat saka sinara ang pinto.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon