Chapter 27

79 2 0
                                    

Inikot ko ang paningin sa buong kabahayan. Ilang araw pa lang akong nawawala pero sobrang na-miss ko ang bahay.

Tumango na lamang ako ng batiin ni lolo at nag-abot ng juice . Bahagya pa itong naguluhan sa biglaang pag-uwi ko. Nagpa-alam muna itong aalis upang tawagin si mommy.

Ipinikit ko ang mga mata at banayad na inuuga ang rocking chair na paboritong upuan ni lolo. Muling nagmulat ng mga mata ng maramdamang hindi na ako nag-iisa.

"Pag-alis mo dito puno ng kasiglahan ang mata mo. Bakit hindi ko makita iyon ngayon."

"Mommy " nahihirapang sabi ko saka nag-umpisang tumulo ang luha.

Wala ba talagang kapaguran ang pag-iyak ? Hindi kaya maubusan na ako ng luha.

Lumapit sya sa akin at itinayo ako saka inakay papuntang garden . Kay gandang pagmasdan ng mga orkidyas at bulaklak na alaga ni mommy.

"Ikaw pa rin ang gusto niya mommy . " aniko na sa bulaklak nakatingin.

Napatingin sya sakin.

"Ikaw parin ang first love nya. At mahirap makipag-kumpetensya sayo." Aniko na humikbi.

"Paano mo nasabi, hija ?"

"I found your picture on his wallet mommy. At may nagsabi sa akin na kaya nilalagay ni Tristan ang litrato na iyon ay dahil mahal pa rin niya ang babaeng yun. And it was you mom. " aniko na tumingin sa kanya.

" may nagsabi ? . Ibig sabihin hindi mismo kay Tristan nanggaling ?."

"I dont want to comfront him. Baka mas lalo lang akong masaktan. "

"Pero hindi mo sya binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag hija." Anito na hinawakan ang kamay
"Sa love , para magwork ang isang relasyon dapat parehong kayong may tiwala sa isat isa. Dapat alamin mo ang bahagi niya hindi yung basta ka na lang maniniwala sa iba. "

Napatingin ako sa kanya at tahimik na nakinig.

"Gusto mo syang maging asawa diba ?" Tanong nito na ikinatango ko.

"Paano kayo magwowork kung ngayon pa lang eh ganyan na agad ang ginagawa mo , nagdesisyon ka sa isang bagay na hindi sya naging parte ng pagdedesisyon mo."

"Nasaktan kasi ako mommy . " himumihikbi kong sabi

" Anak , sa love , masasaktan ka talaga kahit hindi mo gustuhin ,kasi natural na iyon. Parte na iyon ng buhay. Kaya hindi mo iyo dapat ikatakot. Gusto mo bang magkaroon ng "what if's and "should have " sa buhay mo . " ngumiting niyakap niya ako.
" balikan mo na sya anak. Alam ko namang gusto mo rin iyon eh. "

Mahigpit ko siyang niyakap.
"Thanks mom. "

"Oh siya , umakyat ka na sa kwarto at ng makapag pahinga ka muna. Malayo din ang bnyahe mo. " anito na binitawan ako.
"Dalaga na ang baby ko ."

Napangiti ako sa sinabi niya. Saka nagpaalam para pumanhik na sa silid.

Tama sya.

Ani ng isip ko. Dala ng sobrang pagod. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon