Chapter 16

55 2 0
                                    

Malakas na katok ang nagpagising sakin. Tiningnan ang relo. Past 10 na. Napabangon akong bigla. 

Anong nangyari kagabi ?. Pilit inaalala ang naganap. 

Katok pang muli ang nagpatigil sa daloy ng ala-ala ko. 

Tumayo ako at pinagbuksan ang pinto. 

" Tagal mong magising. Tara sabay na tayong mag breakfast. Nagugutom na ako kakahintay sayo. " Ani tristan na hindi nag abalang pumasok. 

Tristan ! Naisara kong bigla ang pinto. Binugahan ng bibig ang kamay saka inamoy. Buti na lang hindi ako badbreath . 

Tinakbo ang banyo at humarap sa salamin. 

Nagmukha akong sadako sa itsura lalo pa at Suot ko parin ang gown mula pa kahapon. Magulong buhok na tila nakuryente sa sobrang gulo , may panis na laway pa sa gilid ng bibig. 

Napa-nganga ako. Mabilis na naghilamos ng may kumatok muli. Sinuklay ang buhok ng kay saka lumabas para pagbuksan muli ang kumakatok. 

"Bat bigla mo akong pinagsarhan ? " Si tristan na kunot ang noo. 

Binaling ko sa iba ang tingin. Ayokong makita nya ang pamumula ng pisngi ko. 

"Oh eto . " anito na nagpatingin sakin. Plastick na may lamang dimit ang iniaabot nito. 
"Iabot ko daw sayo sabi ni mommy." Mabilis na inabot ko iyon. 

"Thanks ,hubbybabe. " 

Tumango ito. 

"Bilisan mo nang magbihis para makapag-almusal na tayo. " anito na aakmang tatalikod. 
"And by the way. Ang ganda mo pag bagong gising . " nakangiting sabi nito na kumidat pa bago umalis. 

Napatulala ako. My knees melted. 

Maganda daw ako ?.totoo ba?

Sabay tayong magbreakfast. " 

Napakilos ako ng maalala ang sinabi niya. 

Mabilis na nag shower at nag ayos. 

Isang simple yellow dress na hanggang tuhod ang nasa plastick na may lace sa bandang bewang . At cellphone. Nakakaloka ang mayayaman ,namimigay ng cellphone.

Sinipat ko muna ang sarili sa salamin saka lumabas bitbit ang cellphone. 

Sa reception ako nagtungo . Tanging ang nga employee marahil ng hotel-resort ang naroon. Nailigpit ng lahat. 

Ring ng cellphone ang nagpapitlag sa akin. Hubbybabe ang nakalagay na name ng tumatawag. Nakangiting sinagot ko iyon. 

"Bagal mo talaga. "Ani tristan sa kabilang linya. 

"Hello hubbybabe ."masayang bati ko. " Ikaw ha , dumada-moves ka na ha. Hubbybabe ang pinangalan mo sa pagsave ng number mo sa cellphone na ito." 

"Hindi ako ang nag-save nyan ." Mabilis na sagot nito . 

"Asus ,kunwari ka pa. Nasan ka ba ? " tanong ko. 

"Nasa puso mo. " 

"Baliw. " oh my G ! Kinikilig ako. 

"Pakipot ka pa. Nandito ako sa mickey restaurant malapit sa resort. Magtanong tanong ka jan kung saan ito banda. " anito. 

"Okay sige. " 

"Mag-ingat ka. "Sabi nito na nagpalaki ng baby heart ko. 

" Sila ang mag-ingat sakin. "Sagot ko. 

"Kung ganun mag-ingat din sila sakin " anito saka ini-off ang phone. 

Mahigpit na hinawakan ko ang cellphone. Sana ganun lagi ang gising nun. Napapangiting naglakad ako palapit sa natanawang empleyado ng hotel para magtanong.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon