Chapter 8

62 2 0
                                    

" Talaga ate chelsea ? Allergic ka sa hipon ? Si stefan allergic din " ani tricia na uminom ng tubig. " Anong nangyayari sayo kapag nakakain ka nito ?" Anito na tinuro ang hipon. Tumingin ako dito . 

" Hindi naman ako a----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng subuan ako ni Tristan .

" Masarap ba wiffybabe ? Specialty ni mommy yan , adobo. " nakangiting sabi nito na bahagyang pinunasan ang gilid ng labi ko. 

Napanguya ako ng mabilis dahil pinuno nito ang bibig ko. Balak pa ata akong bilaukan. Napaubo ako sa pagnguya. 

"Hey hija , dahan dahan lang ang pagnguya. " 

Dahan-dahan ? Eh pinuno kaya ng anak nyo ang bibig ko. 

"Here's juice " si mike. 

"Ito tubig " si Tristan. 

Napatingin ako sa dalawang lalaki na sabay nag-abot ng baso. 
Napansin kong masama ang tinging binagay ni tristan kay mike saka tumingin sakin. Titig na nagsasabing ang inaalok nito ang tanggapin ko. 

Napangiti ako. Ayoko nga. Inabot ang juice na in-offer ni Mike. 

"Thanks " nakangiting sabi ko. 

"Youre welcome beautiful." Sabay kindat at pinagtuunan na ang pagkain. 

Sa naniningkit na mata, Nilagok ni Tristan ang tubig . 

" Ilang days ka nga pala dito mike ? " tanong ni tristan habang sumusubo ng pagkain. 

"Wala pa man akong isang oras dito tinatanong mo na agad ang pag-alis ko " ani mike. 

"Oo nga naman, kakarating lang niya hubbybabe yan na agad tinatanong mo" sabat ko. 

Napatingin sakin si Tristan . "Ikaw ba kausap ko ?" Inis nitong sabi. 

"Ang weird mo talaga" napapantastikuhang sabi ko. 

Ni isa sa kanila walang gusto umawat samin. 

"Mas weird ka. Biik ." 

Nanlaki ang mata ko. " Mas ka , zombie." 

Binalingan ko si mommy Trina
"Mommy Trina nabilhan nyo po ba ng napkin tong anak nyo . Lakas ng saltik eh." I dont care kung mawala ang poised ko. Naiirita na ko sa kanya. Kanina niya pa ako sinusupladuhan.

Naniningkit ang matang tiningnan nya ako. 

Kunway napaubo si Mommy Trina. 
"Nasa harap tayo ng pagkain. Mamaya na kayo mag away" 

"Para agad kayong mag asawa, nagpa-fight na" amused na sabi ni Tricia. 

"Asawa? Bakit sila ba ni Tristan" ani mike na curious. 

"Hindi pa" mabilis na sagot ni Tristan. 

Napangiti ako. Nawala ang inis ng maisautak ang nasabi niya. 
Hindi pa? So my chance . Dapat na ba akong mag-assume ? 

" hindi. So may chance pa palang ligawan tong si. " pagbibitin ni mike na tumingin sakin. 

Kanina pa ako nilalandi pero hindi pa pala alam name ko ?. 

" chelsea , yun ang name ko. " aniko. 

" as i i say, pwede ka pa palang ligawan " ani mike.

"Mike , magiging manugang ko yan, wag mo nang agawin " ani mommy Trina na nakangiti. Natawa sila tricia at mike. Napatingin ako kay Tristan. 

Seryoso ang mukha. 

---------------- 

Matapos kumain ay dumeretso ako sa kwarto. Ano bang nangyayari sakin , bakit ganun na lang ang naging ugali ko sa kanila ,. Lalo na kay mike. At ang nakakairitang chelsea na yun, matapos sabihin na "she wants to claim his husband to be , nakakita lang ng ibang adonis ,pumiflirt na. " 

"magpapaturo ako sa iba para marunong nakong humalik." 

Napabangon ako sa ala-alang yun. That bitch .! Subukan nya lang magpractice kay mike babaliktarin ko mundo niya. 

Tumayo at lumabas. Hinanap ng nga mata si chelsea. Naningkit ang mata ng makita sina chelsea at mike sa verandah , masayang nagkukwentuhan. 

Tatalikod na sana ko ng makitang papalapit ang mukha ni Mike kay Chelsea . Napatakbo ako papunta sa kanila. 

-------------------------------- " 

Enjoy ka rin palang kasama" aniko na nakangiti kay mike. 

" Syempre naman . Mahilig kasi ako sa masasayang bagay " anito na lumingon lingon muna bago nilapit ang bibig sa tenga ko at bumulong. 
" Di tulad ni Tristan na laging nakasimangot pero babaero" anito. 

Nagulat pa ako ng may kamay ang biglang pumagitan samin. Si tristan. 

" Wiffybabe , inaantok na ko . Halika na sa taas tulog na tayo." Ani tristan na tila naglalambing 

Jaw dropped ako. 

"Mike , pasensya na pero hindi talaga ako nakakatulog ng hindi katabi ang fiancee ko" ani tristan na nakatingin kay mike. 

Nagsalubong ang kilay ni mike " magkatabi , eh diba dun ka matutulog sa katabing silid ng kay Tricia" ani mike. "

Ahhh---" nabibitin ang sasabihin ko ng umepal si Tristan. 

" Hindi na ,dun na sya matutulog sa kwarto . Gusto ko kasing makatabi ang 'fiancee' ko. " ani Tristan na binigyaan diin ang fiancee.

Inakay nya ko patayo. 

" Good night mike " pahabol ni Tristan na inakay na ko pabalik ng silid nito. 

Gosh ! Hanggang kailan ba ako magiging speechless sa pagbabago ng ugali nito.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon