Chapter 15

55 2 0
                                    


Pagkagaling sa hotel ay bumalik muli ako sa reception area. 

Napangiti ako ng maisip muli si chelsea. Ngayon, inaamin ko ,nag-iiba na ang damdamin ko para sa kanya. Pero hindi ko pa rin mapangalanan kung ano man iyon. All i know is gusto ko sya lagi makasama, napapasaya nya ako. At naiinis ako tuwing malapit sya kay mike. 

Nagbago ang timpla ng mukha ko sa naisip. 

"Naihatid mo na ba sa kwarto nya si chelsea ?" Si mike na hindi ko namalayang nakalapit sakin. 

"Yes . Sa ngayon malamang tulog na yun ". Tipid kong sagot. Naiinis pa rin ako sa ginawa nyang paghawak kay chelsea. 

Tumango-tango ito . 

" Tristan ,ang tagal mo namang maghatid . Akala ko tuloy hindi ka na bababa. " si shasnie na inabutan ako ng kopita. 

I murmur my thanks. 

"Aakyatin na sana kita eh " ani shasnie na ininom ang wine saka kumapit sa braso ko. 

Para hindi ito mapahiya ,hindi ko na lamang tinanggal ang kamay nito sa pagkakapit sa braso ko. 

"Modus mo naman yan eh ,ang mag-akyat.. " ani Mike na inisahang lagok ang kopita habang masama ang titig na binigay kay shasnie. 

Napakunot ako. Parang may something. 

"Wait .magkakilala na ba kayo ?" Naisatinig ko na pinaglipat ang tingin sa dalawa. 

Si Shasnie ay irap naman ang binigay kay mike. 

"Yes , a long time ago . Na sa sobrang tagal ,inamag na. " si mike .
"Sige na pare , kakausapin pa daw ako ni tita trina." Anito na sumaludo pa bago umalis. 

Curious na Binaling ko ang tingin kay shasnie. 

"Dont ask me . i wont tell kung paano kami nagkakilala ng antipatiko mong pinsan. " mabilis na sabi nito. 
"All i remember is , he was a great lover . " anito na umalis din. 

What happen ?. May nakaraan ba ang dalawa. 

Napailing-iling ako. Hindi ito panahon para pag-isipan ang lovelife ng iba ,yun eh kung may nakaraan nga sila. Ang dapat kong alamin ay ang unti unting pagbabago ng damdamin ko sa anak ng first love ko.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon