Chapter 13

62 2 0
                                    

" Ladies and gentleman, let me call your attention please ." Ani stefan -ang groom-.
" Syempre ,gaya ng tradisyon. Ihahagis na namin ng aking magandang bride " anito na itinuro si Tricia . " ang boquet na nasa kanya na sasaluhin ng mga dalaga at garter naman sakin para sa mga binata." Dugtong nito.
"Oopps. Binata at dalaga lang ha . Bawal ang feeling at Dala-na . " nakatawang habol salita nito saka pumwesto ng nakatalikod sa lahat

Ang groom ang unang maghahagis.
Count of one,two ,three ! " inihagis ang garter .

Kanya-kanyang habol habang nakatingala ang mga lalaki na pilit inaalam kung saan babagsak ang garter para masalo.

Bumagsak ang garter sa goblet na hawak ng isang lalaki. Nilapitan ito ni stefan saka hinawakan sa balikat.
"Congrats man . Susunod ka na " nanunudyong wika nito.

Pabirong sinuntok ito ni Tristan.

Napansin kong tila may hinahanap si Tristan ,at ng madako ang paningin sa kinaroroonan ko ay napahinto ito.

Gosh ! Nakatingin na naman sya sakin.

Nasalo nito Ang garter sa hindi sinasadyang paraan ! . Dapat masalo ko rin ang kumpon ng bulaklak ng bride.

Sa madaling kilos ay pumwesto ako sa gitna. Handa na para makipag agawan.

Nang ihagis ni Tricia ang bulaklak ay naki-agaw . Naroong may naitulak akong babae o di kaya'y nasagi.

And presto ! Ako ang nakakuha. 

"Ate chelsea !" Si tricia na lumapit sakin.
" Inantabayanan mo yun noh. " nakatawang sabi nito.

Hindi ako sumagot. Lahat ng tao ay pinawesto na kami sa harap.

Nangingiting naupo ako sa nakalaang silya samantalang si Tristan ay bahagyang lumuhod saka inilagay ang garter sa paa ko pataas .

"Higher " sigaw ng mga tao.

" Hubbybabe higher daw ". Aniko na natatawa sa expressionn nito habang itinataas ang garter.

Aircondition ang area pero namamawis ito.

Napahagikhik ako ng may maisip.

Matapos ang paglalagay ng garter ay tumayo kami.

May sumigaw lang na kiss papatusin ko agad.

"Kiss ! Kiss ! Kiss ! " sunod sunod na sabi ng mga tao.

My gosh ! pasasalamatan ko mamaya ang mga taong ito. Pwede din ba akong makisigaw. Napangiti ako sa naisip.

" siguro naman sport kayong dalawa ,kaya sige na . Kiss na. " anang isang lalaki.

"Oo nga " segunda naman ng isa pa.

"Wag kayong kj ate chelsea at kuya Tristan . Pagbigyan nyo na ang mga guest ko." Ani Tricia na naki-asar na din.

Hinarap ako ni Tristan, ganun din ako.

"Pano ba yan hubbybabe. Kiss daw " aniko na ngumuso para mang-asar.

Lumapit sya sakin . "Sana naman this time wala na akong maamoy . " sabi nito na nagpaningkit ng mata ko.

Hudyo talaga . !

Hinapit nya ako saka hinalikan sa labi.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon