Chapter 9

71 2 0
                                    

Nang makapasok sa kwarto ni Tristan ay binitawan nya na ako . Ini-on ang music na sa tingin ko ay kanina pa nakasalang.

" Bakit mo sinabi iyon ?" Aniko sa kanya. 

"Ang alin?" Maang maangang tanong nito. 

" yung dito ako matutulog dahil hindi ka makatulog ng wala ang iyong 'fiancee' "

Kibit ito ng balikat.
"Eh.ikaw, bakit di ka tumanggi ? " balik tanong niya sakin. 

Wala akong maapuhap na sasabihin. Tumalikod at humakbang papuntang pinto. 

"Chelsea" tawag niya na nagpahinto sakin sa pagbubukas ng pinto. 

"Bakit" marahas kong baling sa kanya. " 

"Dito ka na matulog , please" anito na seryosong nakatitig sakin. 

Napatingin ako sa kanya. Tama ba yung narinig ko , nag please sya?. 

Napalapit ako sa kanya at hinawakan ang noo nito.

"Hmmmnnn, wala ka namang lagnat. Hindi kaya ikaw ang allergic sa hipon at ganyan ang sintomas mo , nagiging mabait at take note " na tinaas ang isang kamay wariy nagsusulat sa hangin. "Marunong mag please."

Nangiti ito ." Siguro nga dahil sa hipon." Muli na naman niyang hinawakan ang pisngi ko . 

"Ano ba itong ginagawa mo sakin. Tuwing malapit ka, nag iiba ako." Anito na matamang nakatingin sakin. 

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mainit na pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Nahihipnotismo na naman ata ako tulad kanina. 

Bahagya ko na lamang naririnig ang john legend song na pumailanlang. 

What woul i do without your smart mouth
Drawing me in and you kicking me out 
Got my head spinning no kidding 
I cant pin you down 
whats going on in that beautiful mind 
Im on your magical mystery ride 
and im so dizzy 
Dont know what hit me 
but i'll be alright. 

Nakatingin lang ako sa kanya as if time froze. 

Ganito ba talaga ang feeling ng inlove ? Yung tipong humihinto lahat sa paligid mo kapag magkasama kayo. 

Unti-unti na namang bumaba ang labi niya sakin. And there . The magic of kiss. I parted my lips as he duldge his tounge. 

His lips warm and demanding at may pinupukaw na bahagi sakin na hindi ko alam na mayroon ako. He was kissing me slowly, thoroughly and masterfully. 

Oh Lord ! He really knew how to kiss. He made me hungry and thirsty and didnt know it until now. 

How and when the kiss ended., hindi ko alam . 

Basta bigla na lamang niya akong inilayo at nagtakip ito ng ilong. 

" What's that smell ? " anito na kunot ang noong tumingin sakin. Saka ko lang din naamoy . 

Shocks ! Namumulang tumalikod ako at lumabas.

"Urrggh ! gusto ko nang mawala dahil sa kahihiyan. 
Most embarassing moment ! Ang mautot habang nakikipaghalikan sa taong gusto mo. ! "

Nang makapasok sa silid ay Padabog akong naupo sa kama. Kumuha ng unan at tinakip sa bibig saka malakas na tumili. 

"Aaaaahh ! Aaaahhhh ! Aaaaahh! " namumula na tili ko. 

Kailangan ba talaga laging maputol ang kiss namin? 

" Panira naman kasi to eh " pinalo ang likurang bahagi. 

Nahiga ako saka nagtalukbong . Sa panaginip ko na lang itutuloy . 

----------- 

Madaling araw pa lang ay aligaga na ang mga tao. 

Ngayon ang araw ng kasal tricia. Kanya-kanyang prepare ang lahat . 

Pagbaba ko ay naroon na ang mga make up artist na inupahan ng pamilya ni Tristan para syang mag ayos sa bride at bridesmaid. 

Napatingin ako kay Tricia na ngayo'y inaayusan ng buhok. May kausap ito sa phone. 

" what ?! Shasnie naman. Ikaw ang maid of honor ko remember , kaya bakit hindi ka makakarating " ani Tricia na sinenyasan ang nag aayos dito na tumigil muna dahil may kausap.

" Shocks naman. Saan naman ako hahaltak ng ipapalit saiyo ? 
-hmmn 
-okay basta promise me na dadalo ka sa reception mamaya . " ani tricia na pilit na ngumiti. Saka ini-off ang phone. 

Shasnie ? Sounds familiar . 

Dumeretso na ako sa kusina para magtimpla ng gatas. 

"Good morning " gulat na pagkasabi ni mike sa likuran ko. 

Muntik ko pang maitapon ang termos. 

" Same to you. " tipid kong sagot na hinalo ang gatas. 

Kumuha ito ng tasa saka nagtimpla ng kape. 

" kumusta ang tulog.?" 

Napabuntong hininga ako. " ayun bitin " sabi ko na dalawa ang pakahulugan ,bitin sa totoong salita ,at bitin sa halik. 

Nilingon niya ako . "Talaga bang dun ka natulog sa kwarto ni tristan ?" Anito. 

" hindi " iling na sabi ko. Ngumiti ito. 

" Good" anito saka ininom ang tinimplang kape. 

Friendly si mike. Marami din kaming napagkwentuhan kagabi. Tulad ng taga pampanga pala ito at nagtatrabaho bilang manager ng isang banko. At matagal na since last na nakapunta ito dito . Magkapatid ang mommy nito at si mommy Trina . 

Mas mayaman nga lang sila Tristan dahil pagmamay-ari ng pamilya nito ang Villa Katalina na minana pa mula sa namayapang asawa ni Mommy trina. May mga tanim din dito na ini-export ng pamilya. Bukod doo'y pagmamay-ari din ng Osores ang mickey restaurant na marami na rin branch. 

"Chelsea narito ka lang pala" ani mommy trina. 

Napatingin kami ni mike dito na ang mukha'y tila aligaga. 

"Bakit po ?" Aniko na inalalayan itong maupo. 

" pwede ka bang maging substitute maid of honor?" Dali daling sabi nito. 

Ako ? Maid of honor ? . Naalala ang kausap sa phone ni Tricia kanina. Kung ganun hindi talaga aattend ang maid of honor nito. 

"Please chelsea." Ani mommy trina na hinawakan ang kamay ko. 

"S-sige p-po. " aniko na puno ng alalahanin ang isip. "

Salamat " huminga ito na parang nabunutan ng tinik. " pagkatapos mo niyan umakyat ka agad sa kwarto mo ,dun ka na nila aayusan at nakapag pa deliver na din ako ng isusuot mo." Anito saka tumayo at dumeretso sa sala. 

Napatingin ako sa tasang hawak. Pano to ?.ayoko ng mapahiya ulit. 

" bakit parang pilit ka nung pumayag ?" Tanong ni Mike na halata ang kuryusidad. 

Napatingin ako dito. "Hindi ako marunong mag-heels ! " pagdidiin ko na tanging ito lamang ang makakarinig.

Always HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon