Para akong invisible sa classroom namin no'ng mga sumunod na araw. Busy si Yuito sa basketball kasi nalalapit na ang competition. Wala namang kumakausap sa'kin dito sa room. Palagay ko, hindi nila ako feel at may lihim silang galit sa'kin.
Pero pakialam ko ba sa kanila? Kung ayaw nila sa'kin, edi 'wag.
Vacant namin ngayon kaya walang ginagawa. Kaya 'yong mga classmates ko, nagsimula nang maghanap ng clubs. Kahit nga ako, wala pang napipili kasi sobrang dami. Idagdag pa na wala rin namang nagyayaya sa'kin.
"Hays mingming! Ganto ba talaga sa Japan?" pagkausap ko sa maliit na pusa na nandito rin sa ilalim ng puno. Mahangin dito sa pwesto ko ngayon at nakakarelax.
Lumapit 'yong pusa sa'kin at nilambing lambing ako. Nakakagaan sa pakiramdam, sobra. Iba talaga 'yong calmness na nabibigay ng animals. Parang gusto ko tuloy siyang ampunin.
Binuhat ko 'yong pusa at napangiti ako sa cuteness nito. "Gusto mo sa'min ka nalang?"
Nagmeow naman ito kaya mas lalo akong napangiti. Balak ko na sanang bumalik na sa classroom, kaso may kumalabog na sobrang lakas. Mukhang malapit lang sa pwesto ko kaya hinanap ko kung sa'n nanggaling 'yon.
At tama nga ako, nasa likod lang sila ng bakanteng lote. May grupo ng mga lalake, mga nasa pito sila.
Lumapit ako ng konti para mas makita kung anong ginagawa nila. Napatakip naman ako sa bibig ko nang may makita akong babaeng maliit. Sa tingin ko ay may balak silang masama dito.
"Kanojo ni nani o shite iru no?" (Hey what are you doing to her?) Maangas na sabi ko habang humahakbang papalapit sa kanila. Nagulantang nga 'yong isa no'ng makita ako e.
"Seikō, sore wa anata no bijinesu no dore demonai." (Fuck up, it's none of your business.) Sagot naman no'ng matangkad na lalaki na sa tingin ko ay ang leader nila.
At wow lang nagawa pa ako nitong itulak. Kahit medyo masakit 'yong pagkakabagsak ko, mas pinili kong tumayo at iligtas 'yong babae. Base palang sa mukha niya, mukha na siyang mapapaiyak e.
"Watashi wa anata ni keikoku shite imasu. Kanojo o hanatte oku ka,-sōdenakereba, kanrisha wa kore o shirudeshou." (I'm warning you. Leave her alone or else, the admins will know about this.)
Natawa lang sila sa sinabi ko. Mga gunggong!
"'Anata wa karera ga anata o shinjiru to omou? Anata wa shōko o motteinai!" (You think they will believe you? You don't have any proofs!)
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...