Chapter Twenty: "The Last Goodbye"

471 14 11
                                    

Wala namang espesyal na nangyari sa mga sumunod na araw. Pansin ko nga, naging tambay na talaga ako sa ospital pagkatapos ng klase. Sinasamahan ko kasi si mama na mag-asikaso kay Tita Yarano. Gano'n din naman si Yuito, halos mapuyat nga siya kakabantay dito. Nagpresinta din naman siyang gawin 'yon kasi suspended din naman siya ng two weeks, mas mabuting sa nanay niya na lamang ilaan ang atensyon niya.

Nang sumunod naman na araw, sumama si Yuito sa'kin na bisitahin si Shin. Hindi ko alam kung ano 'yong napag-usapan nila kasi labas naman ako do'n, pero base naman sa pakiramdam ko ay mukhang ayos naman na sila. At ang nakakatuwa pa? Nabalik na ni Shin ang nawala niyang ala-ala! Naalala niya na si Akira, siyempre tuwang-tuwa naman 'tong kaibigan ko. Pinipilit ko nga siyang magkwento sa'kin kung ano na ba 'yong real score sa pagitan nila ni Shin, panay naman ang sikreto sa'kin ng babaeng 'yon! Ang daya e.

Sa kasalukuyan, weekends ngayon at walang pasok. Hindi na rin naman hassle kasi kakatapos lang ng exams namin. Next week, labas na ng final grade namin at maghahanda nalang for graduation. Tapos yehey, college na ako! By the way, STEM ang strand na pinasukan ko. Same kami ni Yuito hehe. Okay speaking of him, binigyan siya ng consideration ng mga profs namin. Sinesend sa kanya online 'yong mga activities para hindi siya mapag-iwanan sa mga lessons. Kagabi, halos mapuyat ako sa pagtu-tutor sa kanya. Ngayon, tinetake niya na via online 'yong exams. Mukhang keri niya naman mapasa 'yon. Siyempre, ako teacher niya e!

"Harumi, halika dito." Tinawag ako ni mama. Lumapit naman ako sa tabi niya at umupo. "Ano po 'yon, ma?"

"Mukhang hindi ka na magtatagal dito sa Japan, anak." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Bakit naman? Gusto ko dito, nakakasama ko si mama. Napalunok na lang ako para pigilin ang luha ko.

"B-Bakit naman po?" Hinawakan ng maigi ni mama ang kamay ko. "Alam mo naman ang kondisyon ng Tita Yarano mo 'di ba? Hindi niya na naasikaso 'yong mga files na kailangan para mag-stay ka dito. Babalik ka na sa Pilipinas, Harumi."

"E kayo po?" Sunod-sunod nang pumatak ang mga luha ko. Hindi niya ako sinagot at iniwas lang ang tingin sa'kin. So, hindi siya uuwi sa Pilipinas kasama ko? Ako na naman mag-isa?

"Alam mo namang ako 'yong inaasahan ni Tita Yarano mo 'di ba? Kailangan kong ibalik man lang 'yong utang na loob ko sa kanila."

Hindi ko alam, pero napatayo ako. Hindi naman sa galit ako sa kanya, nagtatampo lang. "Lagi nalang ba ma?"

Tinawag niya ang pangalan ko, pero hindi ko siya nilingon. Ganyan naman siya lagi, mas inuuna niya pa ang utang na loob kaysa sa sarili niyang anak. Hindi ba't 'yon din ang dahilan niya dati kaya hindi siya nakauwi? Ang kaibahan nga lang, 'yong tatay naman ni Yuito ang inaalagaan niya.

Masanay ka na Harumi, kakayanin mo naman siguro ang mag-isa.

Napabuntong hininga naman ako. Okay, Harumi. Matanda ka na, unawain mo nalang ang sitwasyon.

Naglakad lakad nalang ako dito. May extra money pa naman ako kaya sinulit ko na 'yong mga natitirang oras ko dito sa Japan. Bumili ako ng key chains, sweater tapos mostly sa pagkain ko ginastos. Mukhang mamimiss ko dito sa Japan.

Dito sa lugar na 'to nagkaayos kami ni mama. Dito ko nakilala si Akira at Shin. At higit sa lahat, dito ko nakilala si Yuito.

Sinasambit ko palang ang pangalan niya, hindi ko maiwasan na hindi maluha. Kung kailan naman mahal na namin ang isa't isa, kung kailan umamin na siya sa tunay niyang nararamdaman sa'kin, ngayon pa na kailangan ko ng bumalik sa Pilipinas.

"Harumi!" May tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. Napangiti naman ako nang makitang si Yuito 'yon. Tumakbo ako papalapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon