Chapter Six: "So Close Yet So Far"

321 36 104
                                    

Para akong baliw para parusahan ang sarili ko. Hindi ako masyadong kumakain o lumalabas man lang sa kwarto. Buong weekends, hindi ko man lang nakita ulit si Yuito. At ngayon, sisiguraduhin kong hindi kami magpapang-abot. Hindi ko na kasi hinintay si Manong Ranmaru na ihatid ako sa school, tutal medyo may alam na ako dito sa Japan.

Sumakay ako ng train papunta sa Yamizawa High. Kasagsagan nga ngayon ng tag-init, hitik ang araw kaya sobrang pawis agad ako. Imbes na maglugmok dito sa tabi, minabuti kong kausapin si Akira. Gusto ko kasing sumali sa volleyball club.

"Uwa, naze totsuzen no Harumi-san no subetedesu ka? Kurabu ni sanka shitakunai to omoimashita." (Woah, why all of the sudden Harumi-san? I thought you don't want to join our club.)

Napangisi nalang din ako sa naiisip ko. "Karera ga iu yō ni, anata no raibaru ni katsu tame ni.. Anata wa karera o yori chikaku ni tamotanakereba narimasen." (As they say, to beat your rival.. you must keep them closer.)

"Raibaru? Dare? Nasami-san desu ka?" (Rival? The who? Is it Nasami-san?)

Hindi na ako tumanggi pa kay Akira. Then, kinuwento ko sa kanya 'yong nangyari sa pagco-confess ko kay Yuito. Hindi nga siya makapaniwala na gano'n ang mangyayari. Well, paano pa ako 'di ba?

"Shinpaishinaidekudasai, anata ga watashitachi no ichibu ni naru koto o kakunin shimasu." (Don't worry, I'll make sure that you'll become part of us.)

Nang magkaroon ng vacant sa class namin, agad naman kaming pumunta sa Sports Gymnasium. Nakita ko pa nga ang gulat sa mukha ni Yuito nang makita ako, pero deadma muna ako sa kanya 'no.

"Kōchi, koreha Ichinose Harumidesu. Kanojo wa barēbōrukurabu no ichiin ni naritai to omotte imasu." (Coach, this is Ichinose Harumi and she's interested to be part of the volleyball club.) Pagpapakilala ni Akira sa'kin. Confident naman akong ngumiti kay Coach.

"Sate, kanojo no sukiru o mite mimashou." (Well, let's see her skills.) Pahayag nito at nagsimula na sila magtraining. Nakita ko nga din kung paano ako tignan ni Nasami mula ulo hanggang paa, tapos nginisian ba naman ako.

Nasami, 'wag ako.

Ginuide naman ako ni Akira para magpalit ng damit na susuotin. Hindi ko alam kung bagay sa'kin na magsuot ng volleyball jersey, kasi panigurado hindi naman ako biniyayaan ng malaking hinaharap.

"Harumi-san, kakkoī!" (You look great, Harumi-san!) Pagpuri ni Akira sa'kin. Nag-ipit naman ako ng ponytail para naman makapaglaro ako ng maayos.

Pagkalabas ko, nagulantang pa ako kasi halos lahat ay nakaabang pala sa'kin. Pati ang practice ng basketball, itinigil para sakop ng volleyball 'yong buong court. Hindi ko naman mapigilan na tumingin kay Yuito. Nakatitig ito ngayon sa'kin mula sa bleachers, kaya hindi ko alam kung mahihiya ako sa kanya.

Pero 'di bale na. Let this game start!

Pinapwesto ako ni coach sa right side ng court. Potek na 'yan, at talagang banda kay Yuito pa ha. Pinaghahampas ko naman ang mukha ko para magfocus. Okay Harumi, wala munang Yuito ngayon ha?

Kailangan mong ipakita kay Nasami kung sino ang boss pagdating sa volleyball.

Hindi ko alam kung anong takbo ng isip ni Coach at naisipan niyang paglabanin kami. Ang leader sa left side ay si Nasami at ako naman ang sa right side. Parehas kaming may six players at kakampi ko pa si Akira.

Dahil baguhan palang daw ako, ako ang mauuna na magserve ng bola. Okay, I admit na kinakabahan talaga ako ngayon. At dahil sa kabang 'yon, hindi pumasok 'yong bola sa kalaban kaya puntos na nila 'yon. Ngumisi pa itong si Nasami sa'kin at tinarayan ako. Siyempre, attitude din tayo kaya gano'n din ang ginawa ko sa kanya.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon