Chapter Nine: "Afterall The Pain"

332 32 56
                                    

Sobrang lutang ko no'ng mga nakaraang araw. Iba talaga ang ginagawa ni Yuito sa sistema ko. Patuloy akong binabagabag ng Sakura na 'yon. Alam mo 'yong gano'ng feeling? Kapag nagkakagusto ka sa isang tao, ang hilig mo mag-overthink. Mag-imagine ng mga bagay bagay.

Okay Harumi, overthink na naman.

Ano bang napala ko no'ng nag-overthink ako kay Nasami? Hindi ba wala namang nangyari? Ako lang 'yong gumawa ng bagay na ikakasakit ng damdamin ko. Pero iba kasi si Sakura e. Ex niya 'yon e.

Nakakawalang gana tuloy.

Dapat ngayong araw, masaya ako kasi school festival na e. Pero wala talaga ako sa mood. Gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko at matulog. Pero hindi naman pwede kasi may attendance.

Dahil na rin sa pagkaboring ko, ako nalang ang nagpresinta sa klase namin na maging si sadako. As usual sa mga haunted house booth, maraming mga over-react kung sumigaw. Lalo tuloy akong naba-badtrip. Paano ba naman takot na takot ba naman sa'kin.

Nakakatakot ba ng sobra ang itsura ko? Gigil nila ako ha.

Sa loob ng tatlong araw, puro 'yan lang ang ginawa ko. Nilaan ko ang oras ko para manakot. Ngayon ang huling araw ng festival, sinasabihan ako ng mga kaklase ko na mag-enjoy sa ibang booth pero wala talaga akong gana. Nakokonsensya tuloy ako kay Akira kasi gusto niya pa naman akong kasama, pero ako 'tong kill joy sa trip niya.

"Yuito-kun, kowai!" (Yuito kun, I'm afraid!) Isang malambing na tinig ang narinig ko. At tama ba ang pagkakadinig ko? Si Yuito ang kausap niya?

Agad naman akong lumingon sa babae. Mahaba ang buhok, napakaamo ng mukha. Ang ganda at mukhang mabait. Walang arte sa katawan at simple lang ang pananamit. Kasama siya ni Yuito at bakas sa mukha niya ang saya.

Tangina, paano mo nagagawang magsaya Yuito? Samantalang ako, sobrang sakit na ng nararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tangina, paano mo nagagawang magsaya Yuito? Samantalang ako, sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Inaamin ko, big deal talaga sa'kin 'yong kiss na 'yon. Gusto kong merong ibig sabihin 'yong paghalik ni Yuito sa'kin, gusto kong mahalin din niya ako pabalik! Bakit ba kahit anong gawin ko, hindi niya ako magustuhan? Ano bang problema sa'kin? Bakit laging sa iba siya nahuhulog?

Tangina ka Yuito, ang sakit sakit na e.

Gusto ko na siyang kalimutan, gusto ko na siyang mawala sa puso ko. Pero ang hirap hirap, kasi gustong-gusto ko siya. Para sa'kin, wala ng lalaking mas makakahigit sa kanya. At kahit diktahan ko ang sarili kong nararamdaman, kahit sabihin pa ng isip ko na gusto ko na siyang kalimutan, siya at siya pa rin ang pipilin ng puso ko.

"Kowagaranaide, watashi wa itsumo koko sakuradesu" (Don't be afraid, I'm always here Sakura.)

Tumulo ang luha ko. Si Sakura pala ang kasama niya. Nagkabalikan na kaya sila? Kahit anong gawin kong pagpigil, naiiyak pa din talaga ako. Nakakapangliit ng sobra. Ang hirap makipagkompetensya sa mga babaeng nagugustuhan ni Yuito sa totoo lang. Ang desperada ko para isiping magugustuhan niya din ako.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon