Chapter Nineteen: "Beers And Regrets"

272 13 9
                                    

It's been a week since that incident happened. Naconfine si Shin at hanggang ngayon, hindi pa rin ito nagigising. Si Yuito naman? Ayon, nireklamo siya. At bilang kapalit ng ginawa niya, suspended lang naman siya ng two weeks. Great right?

Kada pagkatapos ng klase, hindi kami pumapalya ni Akira na bisitahin si Shin sa ospital. Ito namang kaibigan ko, sobrang nasasaktan sa sinapit ni Shin. Hanggang ngayon, hindi niya pa din lubos na maintindihan kung bakit naging gano'n kaagresibo si Yuito. Kahit ako nga rin, walang maisip na dahilan e. Na bakit kailangan niya pang umabot sa punto na gano'n? Na namahamak na siya ng buhay ng tao?

Delikado 'yon kay Shin e. May tahi pa ang ulo no'n, pa'no kung lumala ang lagay niya? Tangina, hindi ko maiwasan mainis kay Yuito. Puro kamao ang pinapairal niya lagi, ngayon nagsisisi na ako na nagawa ko pa siyang mahalin noon. Dahil ngayon? Puro galit nalang ang nararamdaman ko.

Wala namang imik si Akira sa'kin habang pauwi kami. Hindi ko nalang siya kinulit pa dahil alam ko namang mahirap para sa kanya 'yong nangyari. Nang makita ko ang bababaan ko, agad akong lumabas mula sa train. Sa kasalukuyan, habang naglalakad papunta sa mansion, tumawag si mama sa'kin.

"Hello? Mama, ba't ka po umiiyak? Anong nangyari?" Hindi ito makapagsalita ng ayos. Ako naman, kinakabahan sa naging asal niya.

"Ikaw na muna ang bahala sa mansion ha? Nasa ospital ako ngayon.." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang makapagsalita, una si Shin? Ngayon sino naman?

"Ang Tita Yarano mo kasi, may dinadamdam palang sakit. Malubha ang lagay niya ngayon at hanggang ngayon hindi pa din matukoy ng doktor kung anong problema."

Madami pa itong binilin sa'kin, pero masyado akong lutang para intindihin ang sinabi niya. That moment, si Yuito ang naisip ko. Alam na ba niya ang lagay ng mama niya?

Bigla tuloy nanlambot ang puso ko para sa kanya.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad nagtungo sa bahay. Wala akong nadatnan sa salas, kaya umakyat agad ako ng hagdanan. Nakailang katok na ako sa kwarto niya, pero hindi niya man lang ako sinasagot.

"Yuito, buksan mo ang pintuan!"

Alam kong nasa loob siya. Rinig ko 'yong ugong ng aircon, hindi niya lang talaga ako pinapansin.

"Umalis ka na!" Rinig kong pagtataboy niya sa'kin. Hindi ganito si Yuito, mukha siyang nakainom.

"Yuito, kumalma ka. Buksan mo ang pintuan, please." Sobra akong nag-aalala sa kanya. Paano kung may gawin siyang masama sa sarili niya? Paano kung magpakamatay siya?

"Ba't ba ang kulit mo? Hindi ba't galit ka sa'kin? Umalis ka na at pumunta ka sa Shin mo." Narinig ko ang pag-impit ng iyak niya. Parang nadudurog ang puso ko sa bawat hikbi niya. Tangina, ang lakas makakonsensya!

"Hindi kita kailangan Harumi, kaya umalis ka na. Kung iniisip mo na hindi ko kaya, kaya ko!"

Ang dami niya pang sinabi, pero hindi ko nalang pinansin 'yon. Abala ako sa pagkalikot ng door knob gamit ang hair pin ko. Ilang minuto ko din 'yon kinalikot bago ko mabuksan ang pintuan. Napasinghap naman ako sa nakita. Ang kalat ng buong kwarto niya. Puro balat ng tsitsirya tapos mga basag basag na bote sa paligid. Napansin ko rin 'yong kamao niyang namamaga na nagdudugo na ngayon. Ang lalim din ng eyebags niya, sobrang wasted lang talaga.

"Ba't ka nandito? Umalis ka na, tutal do'n ka naman magaling." Nilaklak niya 'yong bote ng alak. Agad ko namang inagaw 'yon sa kanya at tinabig 'yon.

"Yuito naman, tigilan mo na 'to."

Tumawa ito na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Ang sama ng titig niya sa'kin ngayon. "Joker ka rin 'no? Ikaw ang tumigil Harumi. 'Wag kang umasta na parang concern ka sa'kin. Kasi kung meron ka man no'n, hindi mo ako agad huhusgahan sa bagay na ginawa ko."

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon