Gaano na ba ako nagpakatanga sa lalaking 'yon, at hindi ko man lang napansin na hindi talaga niya ako magugustuhan? Matalino naman akong tao, ha. Noong elementary ako, naging class valedictorian naman ako. Pero bakit sa pag-ibig, napakabobo ko?
Sino ba talaga ang may problema, si Yuito o ako?
Wala akong karapatang magalit sa kanya, dahil unang-una hindi kailanman naging kami. Ang sa'kin lang naman, ang sakit sakit na ginawa mo naman lahat pero napunta pa din sa wala. Gano'n siguro talaga, kapag hindi ka gusto, hindi ka sapat.
Pero paano 'yong pinaramdam niya sa'kin?
Ilusyon ko lang ba ang lahat? Lahat ba ng sinabi niya, totoo ba 'yon? Sa t'wing binabalikan ko kasi 'yong araw na sinasabi niya sa'kin 'yon, hindi mapigilan ng puso ko na umasa sa kakaunting chance na baka lang naman.
Baka may gusto na din si Yuito sa'kin.
Napapunas nalang ako ng luha. Kailan ba titigil ang mga matang 'to sa pag-iyak? Kailan ba mararanasan ng mga matang 'to na lumigaya? Bakit ba kasi ganito ako?
Buti na lamang, hindi nakakahiyang humagulgol sa pwesto ko ngayon. Nasa ilalim ako ng puno, nakaupo habang humahampas sa balat ko ang malamig na hangin. Medyo gumaan 'yong pakiramdam ko, nakakabawas din pala ng sakit kapag sobrang tahimik at ikaw lang mag-isa.
Hindi nalang siguro ako papasok sa mga susunod na araw. Nakakapanghina ng puso, atsaka ayaw ko rin na mag-alala pa si Akira sa'kin. Nako, grabe pa naman 'yong reaction no'n pag makita akong ganito ka-devastated.
Tutal malapit na rin naman ang uwian, tumayo na ako. Balak ko kasing mag-commute, ayaw kong sumabay kay Manong Ranmaru.
Gaano man kasakit ang nangyari ngayon, kailangan ko pa ding magpakatatag. Ano naman ngayon kung hindi niya ako gusto? Edi hindi. Ayaw ko nang ipilit 'yong sarili ko. Sapat na 'yon Harumi para ipadama kung gaano mo siya kamahal, pero kung sobra na. Aba, awat na.
Hindi naman ako robot para hindi mapagod at masaktan. Hindi ko siya kawalan, ako ang kawalan niya.
"Nē, nakimushi! Watashi o mattete kudasai!" (Hey, crybaby! Wait for me!)
Napatigil naman ako sa paglalakad. Si Tomato ba 'yon? Lumingon ako at tama nga ako. Mukhang hinihingal siya at parang kanina pa ako hinahabol. Seriously, gano'n ka-occupied ni Yuito ang isip ko?
"Doko ka ni ikimashou, o yatsu." (Let's go somewhere, my treat.)
Well, ugali ko talaga na sumama 'pag may nanlilibre sa'kin. Pero as of now? It's not the right time for this. Gusto ko nalang magpahinga at humilata sa kama ko buong magdamag.
"Mōshiwakegozaimasen ga, sukoshi o yasumi itadakitai to omoimasu." (I'm sorry Shin, but I want to take some rest.)
Nagpumilit pa ito lalo. Inakbayan pa nga ako. "Shinpaishinaide, kawarini-ka ni tsurete ikimasu." (No worries, I'll take you home instead.)
Hindi nalang ako umangal pa, parehas lang naman kasi kami ng station na sasakyan. Hindi rin naman gano'n kalayo 'yong bahay nila Yuito sa subdivision nila.
"Sayōnara Harumi! Ki o tsukete." (Goodbye Harumi! Take care.)
I waved him a goodbye. Hindi na ako nagsalita pa at nginitian nalang din siya. Nagmano ako kay mama, aakyat na sana ako sa taas para pumunta sa kwarto ko pero inutusan niya ako.
"Anak, kanina pa hindi kumakain 'yon simula nang dalhin siya dito ng clinic staff. Dinadalhan ko naman siya, pero ayaw naman niya. Baka naman pilitin mo si Yuito na kumain, para makainom na din siya ng gamot."
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...