Sabay kami ni Akira na pumasok sa klase. I declare na it's a free day pagdating sa volleyball training namin. Focus daw kasi nila Coach ngayon ang basketball dahil sila naman ang may eliminations. Bale kaming volleyball players, chill lang kami habang hinihintay ang semi finals.
As usual, nagsubmit lang kami ni Akira for completions ng subject na namiss out namin habang may training. Nagtake lang rin kami ng special exams and quiz para sa grades naming incomplete. Grabe nga e, ngayon ko lang narealize na ganito maging student-athlete sa Japan. Super nakakapagod!
"Harumi-san, gakuen-sai ni totemo kōfun shite imasu!" (Harumi-san, I'm so excited about our school festival!) Pahayag ni Akira out of nowhere. Nacurious naman ako sa sinabi niya.
"Gakuen-sai?" (School festival?) Pag-uulit ko. Tumango lang naman si Akira.
"Hai! Kaku kurasuni wa, shitei sa reta būsu ga arimasu. Nani ga watashitachi no mono ni naru nodarou!" (Yes! Each class will have a designated booth. I wonder what will be ours!)
Wow. First time ko mararanasan 'yon 'pag nagkataon. E kasi naman, sa public school na pinapasukan ko sa Pilipinas hindi uso ang festival na ganyan. Pang mayaman lang ang nakakaranas no'n. Kalimitan, foundation ang nagaganap. You know, may mga teams tapos may mga competitions.
Nagkuwentuhan lang naman kami ni Akira about life. Sinabi ko na rin sa kanya na in good terms na ulit kami ni Yuito. Speaking of him, hindi ko na ulit siya nakita after ng pag uusap namin sa Sports Clinic. Hindi rin naman kasi kami nagpapang-abot sa mansion gawa ng hindi match ang mga schedules namin.
Namiss ko tuloy bigla ang lalaking 'yon.
"Deidorīmuha~a~tsu?" (Day dreaming huh?) Ngising pahayag ni Akira. Pabiro ko naman siyang hinampas sa braso.
"Arienai! Akira-san, modotte miyou." (No way! Akira-san, let's go back.) Niyaya ko nalang siya pabalik ng classroom. For sure, aasarin na naman niya ako kay Yuito. Siyempre, bilang marupok na babae, kikiligin na naman ako. And it's a no no no for me dahil nagmu-move on na nga ako.
Besides, best friends should stay as best friends afterall.
Wala namang masyadong special na nagaganap ngayong araw. Puro discussions tapos pinag-uusapan lang naman 'yong tungkol sa booth na gagawin ng section namin. Hindi pa din kasi sila makapag-decide kung magme-maid cafe ba or haunted house ang gagawin.
Hays, what a boring day.
Halos isang linggo na puro gano'n lang ang nagaganap sa buhay ko. Except sa nagsisimula na kaming magdecorate for our booth which is haunted house. Hanggang ngayon, wala pa ring napipili kung sino ang gaganap na ghost. For sure naman, wala namang magvo-volunteer na maging si sadako sa class namin.
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...