Mabilis na kumalat sa Yamizawa High ang ginawang pagtatanggol ni Yuito sa'kin. Ramdam ko na rin 'yong mga mean girls na nagsisimula na ding mag-attitude sa'kin. Pero aatrasan ko ba sila? Siyempre hindi 'no. Ba't ako magpapaapi sa kanila?
Kung makareact sila akala nila kanila si Yuito, hmp.
Tinarayan ko nalang 'yong mga babaeng nagtsi-tsismisan. Pero kaloka din 'tong si Akira, kanina pa hila-hila ang kamay ko. Gusto niya kasing sumali din ako sa volleyball club gaya no'ng sa kanya. I admit, marunong naman ako mag-volleyball. Pero hindi lang kasi buo ang loob ko siyempre, nasa Japan ako. Baka 'yong skills ko sa paglalaro, hindi kagaya ng sa kanila.
Pagdating namin sa Sports Gymnasium, naabutan kong naglalaro si Yuito do'n. Hindi naman mapakali itong puso ko nang makita siya. Bakit parang mas lalong nadagdagan ang kagwapuhan niya sa paningin ko?
Tagaktak siya ng pawis, pero parang ang bango bango niya. Ang angas ng galawan niya, parang easy nga lang sa kanya na mag-shoot ng bola e. Shet, nagiging isa na din ba ako sa mga fans ni Yuito?
"Harumi-san, Yuito-kun wa sukidesu ka?" (Harumi-san, do you like Yuito-kun?)
Nabalik naman ako sa katinuan dahil kay Akira. Tumawa naman ako ng pilit at hinampas siya ng pabiro. "Gago ka ba? Hindi 'no!"
Tinignan naman ako nito na parang nawi-weirdohan sa'kin. Lately ko na rin narealize na hindi niya ako naintindihan kasi hindi ako nag-Japanese. Potek na 'yan! Harumi, umayos ayos ka nga.
"Wakarimasen, Harumi-san." (I can't understand you, Harumi-san.)
Magpapaliwanag na sana ako kay Akira, kaso may bolang tumapat sa paanan ko. Natameme naman ako nang makita na naglalakad si Yuito papunta sa'kin.
Shet, ba't ganto? Anong ginawa mo sa'kin Yuito? Minamaligno mo ba ako?
"Uy, nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa'kin nang pulutin niya na ang bola.
"W-Wala n-napadaan lang hehe."
"Okay ka lang? Namumula ka yata." Napalunok naman ako nang bigla niyang kapain ang noo ko. Pakshet, hindi niya ba alam na mas lalo lang namumula ang mukha ko ngayon dahil sa ginagawa niya?
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...