Ramdam ko ang pag-iwas ni Harumi simula nang umamin siya sa'kin. Hindi ko din naman siya masisisi kasi nasaktan ko siya. Pero alam mo 'yon, may panghihinayang din kasi kung kailan nagiging magkaibigan na kami, saka pa may nangyaring ganito.
Sa mga araw na lumipas na iniiwasan niya ako, nag-focus na lang ako sa bagay na gusto ko. Gaya ng dating gawi, paborito kong tambayan ang Sports Gymnasium. Ang kaso, napahinto kami sa paglalaro nang malaman na may gusto daw mag-try out sa Volleyball Club.
Mula sa bleachers na kinauupuan ko ngayon, tanaw ko si Harumi na nakasuot ng volleyball jersey. Siya ba 'yong magta-try out? Teka, marunong ba siya? Baka naman ipahiya niya lang ang sarili niya? Hindi biro na kalabanin si Nasami lalo't balak niyang sumali.
Unang serve niya, hindi pumasok. Kagaya ng inaasahan ko, hindi siya marunong. Ayoko talaga sa lahat 'yong wala man lang dedikasyon sa paglalaro e. Tutal, nakakawalang gana na din naman ay tumayo na ako. Handa na sana akong umalis, pero napahinto ako nang makitang na-receive ni Harumi 'yong serve ni Nasami.
Hindi ko alam, pero napalunok ako sa nakita ko. Paano nagawa ni Harumi 'yon? Kapag na kay Nasami ang bola, walang nakakapalag sa mga serve niya. Sa 'di malamang dahilan, napaupo ako ulit. Baka chamba lang ni Harumi 'yon, impossible na may makapantay sa galing ni Nasami sa paglalaro ng volleyball.
Pero habang tumatagal ang laro, mas lalo kong napapatunayan na may skills si Harumi. Sa totoo niyan, hindi makaka-score ang team ni Nasami kung hindi nagkamali si Harumi sa pagserve kanina. Mas lalo akong namangha sa nakita ko, kitang kita ko kung paano habulin ni Harumi 'yong bola. Kung gaano siya ka-focus sa paglalaro at sa bawat pagpalo niya na laging nakakapuntos.
Si Harumi ba talaga 'to?
Ang Harumi na kilala ko kasi, mahilig lang mag-aral at laging may toyo dahil sa katarayan niya. Hindi ko alam na may ganito pala siyang side.
"Sono on'nanoko? Oi, watashi wa kanojo ga sukida to omou." (That girl? Dude, I think I like her.)
"Kanojo no namae wa nanidesu ka? Ichinose Harumi?" (What's her name again? Ichinose Harumi?)
Naging matunog ang pangalan ni Harumi sa mga kasamahan ko sa basketball. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko, gusto ko silang bulyawan at sapakin pero hindi ko alam kung anong pumipigil sa'kin na gawin 'yon.
Nabalot naman ng atensyon ang laro nila nang biglang i-block ni Harumi ang bola, kitang kita ko kung paano tumama sa katawan ni Nasami 'yon. Sa taranta ko, bumaba ako mula sa bleachers para puntahan si Nasami. Nagkakantsawan na ang lahat at winewelcome si Harumi sa club, pero wala akong pakialam.
"Daijōbudesuka?" (Are you okay?) Sinubukan ko siyang itayo, pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Modotte, watashi wa anata no tasuke o hitsuyō to shimasen." (Back off, I don't need your help.)
May kung ano akong naramdaman sa puso ko, ganito siguro ang pakiramdam kapag natatapakan ng babae ang ego ng mga lalake. Tinignan ko ang paligid, halos lahat cino-congratulate si Harumi. 'Yong mga kasamahan ko naman sa basketball, halatang pumoporma sa kanya. Malamang, gusto niya 'yon.
Sa inis ko, lumapit ako sa kanya. "Masaya ka na ba? Congrats ha."
Biglang nawala sa labi niya 'yong ngiti. Nakita ko rin 'yong pagbabadya ng luha sa mata niya, kaya pinili kong tumalikod at pumunta kay Nasami. Ramdam ko man ang pagpo-protesta ni Nasami, pinili ko pa ding buhatin siya.
"Kanojo o supōtsukurinikku ni tsurete ikimasu." (I will bring her in Sports Clinic.)
Malakas ang hiyawan ng lahat nang makaalis kami. Nasa Sports Clinic kami ngayon ni Nasami, dapat sa ganitong pagkakataon ay masaya ako. Pero bakit parang may mabigat akong nararamdaman?
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...