Chapter Eleven: "Tomato And Crybaby"

282 31 49
                                    

Ngayon gaganapin ang eliminations ng basketball. Sa wakas, sa hinaba-haba ng pagte-training ng basketball players namin ay dumating na rin ang matagal na nilang hinihintay. Siyempre, full support ako kay Yuito. Hay nako, hindi ko pa rin talaga malimutan 'yong pagbigay niya ng necklace sa'kin. Super cute no'n at iingatan ko talaga.

Siyempre, si Yuito ang nagbigay nito e.

Ilang oras nalang, magsisimula na ang laro. Kaya todo madali ako sa pagpunta sa Sports Gymnasium. Paano ba naman, halos mapuyat ako dahil sa paggawa ng banner para kay Yuito. Hinanda ko na nga rin ang boses ko dahil panigurado, mapapaos ako kaka-cheer sa kanya.

Sobrang dami ng bitbit ko, pero hindi ako papakabog sa bigat ng dala ko. Basta para kay Yuito, gagawin ko ang lahat. Sana sa simpleng pag-effort ko ay ma-appreciate niya.

Medyo napagod lang ako ng konti kaya umupo muna ako sa bench. Hindi ko nga namalayan na may nakaupo din pala do'n. Tinignan ko siya ng maigi, do'n ko narealize na taga-ibang school siya. Base sa jersey na suot niya, palagay ko taga-Konogawa High siya.

"Watashi ga anata no soba ni suwatte mo īdesu ka? Tokorode, watashi wa Ichinose Harumidesu. Gēmu de ganbattekudasai!" (Would you mind if I sit here beside you? By the way, I'm Ichinose Harumi. Goodluck on your game!) Friendly na pagkausap ko dito. Nginitian naman ako nito, pero halata sa mukha niya na mukha siyang kinakabahan.

"Genki, tomato!" (Cheer up, tomato!) Nginitian ko ito with all my heart. Tutal, medyo nakagain naman na ako ng energy, keri ko naman na siguro maglakad papunta sa Sports Gymnasium buhat 'tong mga dala dala ko.

"Tomato?" Pag-uulit niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tomato?" Pag-uulit niya. Bakas sa mukha nito ang gulat and aaminin ko, medyo na-cut'an ako sa naging respond niya sa'kin.

"Akai kami no seida yo, tomato." (It's because of your red hair, Tomato.) Natatawa kong sambit sa kanya. Palagay ko, nahiya ito bigla kasi namumula na ngayon ang tenga niya. Pakshet, nagchi-cheat na yata ako kay Yuito! Ghad, temptations!

Hindi niyo rin naman ako masisisi kasi gwapo siya. Actually, ang cute ng red hair niya. 'Yong gestures niya din kung pa'no magrespond, naalala ko bigla si Akira sa kanya.

I waved him a goodbye dahil baka mahuli pa ako sa laro ni Yuito. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao para lang makahanap ng magandang spot. Sakto lang naman ang dating ko, tamang tama pa nga dahil katabi ko si Akira ngayon na super hyper.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon