Totoo pala 'yon 'no? Kapag sobra kang nasaktan, kusa ng susuko ang puso mo na magmahal.
Siguro gano'n talaga kapag nalaman mo na kung anong worth mo. Alam mo na kung paano mas unahing mahalin ang sarili mo. 'Yon kasi 'yong nawala sa'kin e. Simula nang mahalin ko si Yuito, nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko.
Ang kumplikado lang talaga ng buhay. Dati, gustong gusto ko na mahalin ako ni Yuito pabalik. Tapos ngayong panay pagsuyo siya sa'kin, saka naman ako ngayong walang pakialam.
Wala namang bago sa mga sumunod na araw. Siyempre, awkward kasi nagkakasalubong kami ni Yuito dito sa bahay. May mga times na gusto niya akong kausapin, pero ako na mismo 'yong umiiwas. Kasi, ano pa bang dapat namin pag-usapan? Malinaw na ang pagkakasabi ko sa kanya na gawin niya nalang ang bagay na nagpapasaya sa kanya.
Pero ano 'yong ginagawa niya ngayon? Na hindi na siya nagte-training sa basketball?
Ah, siguro wala namang kinalaman 'yon sa'kin. Bali-balita din kasi na tinanggal na siya ng basketball coach bilang basketball captain. Recently daw kasi, bumaba 'yong performances niya at puro palpak 'yong mga drills niya.
Nakakapagtaka nga e. 'Yong Yuito na kilala ko, malamang magwawala 'yon na parang bata. Nakakapanibago dahil no'ng pinaalam ni coach sa kanya na need niya munang magpahinga sa pagbabasketball, wala man lang siyang naging imik. At hindi lang 'yon, parang okay lang sa kanya na si Shin na ang bagong basketball captain.
May part sa'kin na gusto ko siya kausapin o kamustahin man lang, pero kapag sinusubukan kong gawin 'yon, naalala ko lang 'yong sinabi niya. Grabe pala talaga 'yong impact na ginawa sa'kin ni Yuito, huh? Nakakatrauma na lapitan siya.
Sa ngayon, kakatapos lang ng training namin nila Akira. Nakasanayan na din namin na sabay-sabay kaming nauwi at napasok sa school. Nakakatuwa din dahil nagiging close na sila ni Shin, kaya pakiramdam ko lagi akong third wheel sa kanila 'pag magkakasama kami.
"Nanika ga okottanode, watashi wa anata-tachi ni kuwawaru koto wa dekinai to omoimasu." (Something came up, I think I can't join you guys.) Pagpapaalam ni Shin sa'min. Mukhang nagmamadali ito kaya hindi na namin siya natanong kung bakit.
Bigla namang hinawakan ni Akira ang balikat ko. Ako lang ba 'yong nakapansin at parang nag-sparkle ang eyes niya habang tinitignan ako? Waahh, ang kyut.
"Shin no chokorēto o tsukurou." (Let's make chocolate for Shin.) Kinikilig na sambit nito sa'kin. Come to think of it, ngayon ko lang namalayan na february na pala. Aware din naman ako na dito sa Japan, gumagawa ang girls ng chocolate para ibigay sa lalaking gusto nila.
Aww, naalala ko tuloy dati na balak kong gawan si Yuito ng chocolate. Siguro, kay Shin ko nalang din ibibigay 'yong sa'kin.
Sumang-ayon nalang ako sa balak ni Akira. Nandito kami ngayon sa market, bumibili ng mga ingredients para sa gagawin naming chocolate. May ilang araw pa naman bago mag-valentines, kaya makakapagpractice pa kami.
'Yon lang ang pinagkaabalahan ko sa buong araw, then ayon valentines na. Ewan ko ba, wala ako masyado sa mood para maging excited. Siguro, dahil wala naman akong ineexpect na pagbigyan talaga ng chocolate. Itong ginawa ko nga, wala man lang ka-effort effort. Samantalang si Akira, excited na ibigay 'yong chocolates niya for Shin.
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...