Sa hinaba-haba ng pagte-training namin, sa wakas dumating na rin ang eliminations. Hindi naman hassle kasi dito lang din sa Yamizawa High ang venue, so mas pabor 'yon sa'min since ilang araw na kaming sanay sa sarili naming court.
Ang daming tao ngayon sa Sports Gymnasium na talaga namang nakakapanibago. Hindi ko lang kasi akalain na marami pala ang manonood ng laro namin, kaya kinabahan tuloy ako.
Pero kung kinakabahan ako, mukhang mas kinakabahan itong si Akira. Aba, nakakunot ba naman ang noo nito kanina pa at sobrang tahimik.
"Daijōbudesuka" (Are you okay?) Nag-aalalang tanong ko sakanya. At 'yon nga, hindi siya sumagot so it means hindi siya okay.
Bibilhan ko nalang siguro 'to ng favorite niyang orange juice. Pansin ko kasing pampakalma niya 'yon e. Kaya tumayo na ako at pumunta sa pinakamalapit na vending machine.
Kaso, mukhang ang ganda pa yata ng timing ko. Paano ba naman, nando'n pala sina Yuito and Nasami. Todo tago naman ako para marinig kung ano 'yong pinag-uusapan nilang dalawa. Well, nature na yata ng mga Pilipino ang pagiging tsismosa hehe.
"Ā, jitsuwa watashi ga nagai ma kangaete ita koto ga arimasu. Watashi wa sore ni tsuite kangaeru toki, watashi wa watashi no mune no yake to appaku-kan o kanjiru. Sō.." (Ahm, a-actually there's something I've had on my mind for a long time. When I think about it, I feel a burning in my chest and a tightness. So..)
Tangina, ano 'tong naririnig ko mula kay Yuito? Is this a love confession?
"Nasami, atta hi kara anata ni koi o shite imasu. Anata wa, basukettobōru ni kanshite watashi ga itsumo jōnetsu-tekidearu riyūdesu. Anata wa watashi ga suru koto subete ni watashi o kobu shimasu. Hai to itte watashitoisshoni dekakemashou!" (Nasami, I'm inlove with you since the day we met. You're the reason why I'm always passionate when it comes to basketball. You inspire me in everything I do. Please say yes and go out with me!)
Bakit Yuito? Bakit kailangan si Nasami pa? So it's true, talagang si Nasami pala talaga ang nilalaman ng puso mo. Kung nandiyan siya, nasaan ako Yuito? Sa'n ang lugar ko sa puso mo?
Pinilit ko ng makaalis sa lugar na 'yon, kasi alam ko na sarili ko lang din ang sasaktan ko. Ayaw kong marinig na pumayag si Nasami sa kagustuhan niya. At lalong ayaw ko na makita silang masaya na magkasama.
Hindi ko alam kung makakapagfocus pa ako sa paglalaro ng volleyball nito mamaya, pero isa lang ang alam ko— puno ng insecurities ang puso ko ngayon. Isa lang ang pwede kong paglabasan ng nararamdaman, at 'yon ay ang laro namin mamaya.
Nagponytail ako dahil ilang minuto nalang ay sasalang na kami. Sakto namang dumating si Nasami na ngiting-ngiti pa. Pero ang ipinagtataka ko, bakit parang malungkot si Yuito? O guni-guni ko lamang 'yon?
E ano bang pakialam mo sa kanila, Harumi?
Sinampal sampal ko nalang ang mukha ko para magfocus. Ipinakilala kami ng announcer kaya pumasok na kami sa court. Konagawa High ang magiging kalaban pala namin. Sa tindig at kilos palang nila, mukhang mahihirapan kami na kalabanin sila.
BINABASA MO ANG
Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)
Teen FictionIchinose Harumi is having a hard time on her new environment- Japan. She admits that she's not accustomed to live there because if she had a choice, she would prefer to live in the Philippines. But due to her personal reasons, she has to live with t...