SECRET RELATIONSHIP
Ito ang label ng relasyon namin ni Giro.
Halos isang taon na kaming tumatago sa magulang ko.
Hindi ko siya magawang ipakilala dahil nga strikto si papa. Ayaw na ayaw nito na magboyfriend ako.Our relationship is not perfect. Pero kahit gano'n, sobrang saya naming dalawa.
Patago man kaming magkita at patago man kaming mag-date, still nando'n pa rin ang spark at kilig.Palagi niya sa akin pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal.
He will do everything just to make me happy. Kaya nga ang swerte ko, simula ng maging jowa ko siya."Baby, hindi mo naman kailangan na ihatid ako. Baka may makakita pa sa atin na kakilala ni papa tapos isumbong ako.", wika ko sa binata.
"Eh ano ngayon? Wala tayong ginagawang mali Iresh. Besides, gusto kong makasiguro na ligtas ka. Uso pa naman ang puting van na nangunguha ng babae.", he said na may pag-aalala sa boses.
"Hays. Bahala ka.", tanging turan ko rito.
Matagal rin bago ako pumayag sa gusto niya.At gaya ng sinabi ni Giro, hinatid niya nga ako.
Mabuti na lang at wala si papa kaya hindi ako napagalitan.Si papa kasi ang kinatatakutan ko.
Iba siya kung magalit lalo na kapag nalaman niya na may boyfriend ako.Gusto ko mang ipagmalaki si Giro, kaso hindi pa ito ang tamang oras para makilala siya ng magulang ko.
Kailangan ko munang makapagtapos para wala silang masabi sa akin.Sa pagsapit ng panibagong araw, sinalubong ako ng boyfriend ko sa labas ng gate ng school namin. Dala nito ang malaking teddy bear at tatlong rosas.
Syempre, kinikilig ako dahil sobrang sweet ng datingan niya.Kaya lang, malalaman ito ng mga kaklase ko.
"Ikaw talaga, ang dami mong pakulo. Diba sabi ko sayo, 'wag kang ganyan. Ayos lang sa akin na hindi ka mag-effort.", sambit ko na may kaba sa pananalita.
Palinga-linga ang aking mata para tingnan ang bawat sulok.
Mahirap na, dito rin kasi nag-aaral ang ate ko at marami siyang kaibigan sa paaralan na 'to. Kaya tiyak, makakarating agad ito sa kanya kapag may nakakita sa amin."Baby naman, pati ba ito pinagbabawal mo? Alam kong sekreto ang relasyon natin, pero pwede ba, kahit dito lang, magpakatotoo naman tayo.", malungkot na saad nito.
I understand his situation. Alam kong mahirap pero wala akong magawa kundi ang pairalin ang takot.
"Giro, mahal kita. Pero kasi-- dito rin nag-aaral si ate. At natatakot ako na baka makarating ito kay papa.", pagpapaliwanag ko naman.
Kaso ang reaksyon niya, biglang umiba.
Umatras ito ng konti at malamig na tumitig sa akin."Natatakot ka ba talaga, Iresh? O kinakahiya mo lang ako?", tanong niya na may kalmadong boses.
"Baby--", I was about to say something again kaso bigla siyang nagsalita ulit.
"Para tayong kriminal na tago ng tago. Kahit gusto kong ipagsigawan ka, hindi ko magawa dahil ayaw mo. Kapag tinatanong ako ng mga tao kung sino ang girlfriend ko, hindi ko masagot ang pangalan mo dahil takot ka. Ganito na lang ba tayo, Iresh?", mahabang litanya ng boyfriend ko.
Hindi ako makasagot.
Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.Kahit ako, gusto ko maging malaya na kasama siya.
Gusto ko rin maranasan yung hinahatid-sundo at dinadalaw sa bahay ng kasintahan.
Pero wala eh. Takot ako. At natatakot ako na baka masira ang tiwala ni papa sa akin."Tao rin ako at napapagod. Pero dahil mahal kita, kinakaya ko 'yon. Kaso binibigyan mo ako ng rason para sukuan ka.", huling bigkas nito at tuluyan na akong tinalikuran.
Tinawag ko pa siya kaso hindi na ito lumingon.
And that was the last time na nakita ko siya.
Matapos kasi ang araw na 'yon, hindi na pumasok si Giro.
Ilang days din siya na walang paramdam sa akin.I admit to myself na nag-aalala ako sa kanya.
So I decided na i-text ang binata para masabi ko ang good news.
"Baby, handa na akong ipakilala ka. Punta ka sa bahay namin mamaya. Promise, maglalakas-loob na ako para sayo.", Ito ang mensahe na pinadala ko sa sa lalaki.
Panahon na siguro para hindi ko pairalin ang takot sa dibdib ko.
Ayokong mawala si Giro kaya ihaharap ko na siya kila papa.Kahit may pangangamba ang aking puso, pinili ko na maging matatag.
Exactly 3:00pm, naka-upo na si papa sa sofa. I told him na may mahalaga akong sasabihin.
Actually, si Giro na lang talaga ang hinihintay ko para masabi ito.
"Anak, may trabaho pa ako. Kaya kung ano man ang sasabihin mo, tell it to me now.", saad ng aking ama.
"Wait lang ho pa. Naghahanap pa po ako ng tyempo.", pagpapalusot kong tugon.
Patingin-tingin ako sa cellphone at nagbabakasakali na magreply ang nobyo ko. Kaso wala eh. Ni isang text, wala akong natanggap.
Bumukas ang pinto at agad kaming napalingon ni papa.
Si Giro ang siyang bumungad sa amin kaya mabilis akong napatayo."Sino ka?", tanong ni papa sa lalaki.
"Ahh pa, siya ho si---",
Akma ko na sanang ipapakilala ito kaso may sumulpot sa likuran ng binata.
"Pa, si Giro nga po pala. Boyfriend ko.", diretsang wika ng kapatid ko.
Yes, si Ate. Si ate ang nagsalita.
Hindi agad ako makapag-react dahil sa gulat.
Sila na?
Paano nangyari 'yon?
Sa pagkakaalam ko, hindi kami nagbreak ni Giro?
Wala siyang sinabi sa akin na hiwalay na kami."May boyfriend ka na pala anak. Mabuti at sinabi mo agad. 'Yan ang gusto ko sayo, hindi ka naglilihim.", mahinahon na saad ni papa.
"Eh ikaw Iresh, diba may sasabihin ka, ano 'yon?", baling na tanong nito nang tingnan ako.
"W-wala ho pa. N-nakalimutan ko na. Sige, a-akyat na ho ako.", utal kong sagot.
Hindi na ako nagtagal pa at tumakbo na ako pataas.
Nang makapasok ako sa kwarto, tuluyan na akong umiyak.
Bakit kasi kung kailan handa na akong ipakilala siya, tsaka niya ako pinagpalit sa iba.
And the worst is, sa ATE KO pa.Now I realized, na ang hirap pala ng patagong relasyon, anytime pwede kang palitan. At anytime, pwede ka n'yang kalimutan.
Damn it! Sobrang bigat sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
SECRET REALATIONSHIP (Completed)
Short StoryIt just a short story pero alam kong magugustuhan niyo 'to. 💜