PART 6 SECRET RELATIONSHIP
Giro's POV:
Tampok na tampok sa University namin ang baguhang estudyante na nag-enroll kahapon.
Ang binatang kasama ni Iresh na nakilalang boyfriend niya.Dito na kasi siya mag-aaral kaya masyado akong nangangamba.
Mas gwapo nga ito kumpara sa akin. At mas matikas ang pangangatawan.
Kahit gusto kong agawin ang dalaga at kahit gusto ko siyang kunin ulit, mukhang malabo ng mangyari 'yon.
Malabo ng mangyari 'yon, dahil halata sa lalaki ang pagiging seryoso.
And one thing I know, he really loves Iresh.
Makikita ko ito sa pamamagitan ng pagkilos niya sa tuwing magkasama sila.Kaya heto ako, nalulunod na sa selos habang pinapanood sila na naglalambingan.
"Say 'ahh', sweetie.", utos ng binata na kaagad namang sinubo ng babae.
"Ang sarap ha? Ang galing mo talaga lumuto JM. Walang kupas eh.", komplimento nito kasabay ng pagtapik niya ng bahagya sa balikat ng lalaki.
"Hindi naman gaano, pero salamat Iresh. It just my passion. At masaya akong pinaglulutuan ka.", tugon ng katabi niya.
"Asus, hindi ka pa rin nagbabago noh? Ang dami mong banat. Naalala ko tuloy yung una nating meet sa New York. Kahit ang cocorny ng banat mo, natatawa pa rin ako sayo.",
"Hehe, pasensya ka na, hindi kasi ako marunong sa salita.", saad ni Jm na tila may kahihiyan sa boses.
"Ano ka ba, ayos lang 'yon. Nakakamangha ka nga eh, kasi kahit hindi ka sanay sa mga gano'n, nag-try ka pa rin para pakiligin ako.",
"--Hindi katulad ng iba d'yan, ang daming alam na banat, 'yon pala may iba na. In short, ang expert sa lokohan.", pagpaparinig ni Iresh.Hindi ako manhid para hindi matamaan sa sinabi nito.
Pero mali pa rin eh. Mali ang sinabi n'yang expert ako sa lokohan. Dahil alam ng Diyos na ginawa ko lang 'yon para sa kabutihan niya.
"Don't worry Sweetie, hindi ako magiging katulad ng lalaking nanakit sayo. And to be honest, kaya ako pumayag na mag-aral dito, para makilala ko ang gagong nagpa-iyak sayo.", wika ng binata dahilan para mapunta sa kanila ang atensyon ko.
"You don't need to know him. Masasayang lang ang oras mo.", turan ni Iresh.
"But I'm really curious. Gusto kong makita siya. Para naman kahit papano, mabawasan ang tanong sa isip ko.",
"Pero na-kwento ko na sayo ang past life ko JM, so 'wag na nating balikan.", muling sabi ng dalaga.
"Makulit ako Sweetie, kaya kung ayaw mong sabihin, ako na lang ang maghahanap sa taong 'yon. I want to meet him in person. Dahil kapag nakita ko siya, handa akong halikan ka ng matagal sa harap niya.",
"--So that, he will realize, kung ano ang sinayang niya.", pahayag nito na ikinatindig ng balbon ko.OH FUCK!
Ibang klase rin ang napili ni Iresh.
BINABASA MO ANG
SECRET REALATIONSHIP (Completed)
Historia CortaIt just a short story pero alam kong magugustuhan niyo 'to. 💜