Part 14

1.4K 38 0
                                    

PART 14 of SECRET RELATIONSHIP
___

Iresh POV:

Wala na.
Nabuko na ako.
Lumabas na ang katotohanan.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang irereact ko sa harapan ni Giro.
He's now smirking na tila ba nagkaroon ng pag-asa.

"Leave now, JM.", sambit nito nang ituon niya kay beki ang atensyon.

"Pero fafa Giro, I need to retouch and change my outfit.", pout na turan ng kaibigan ko.

"Mamaya ka na magpaganda. Don't you see, hindi pa tapos magbihis ang baby ko. Bibihisan ko muna. So give some privacy.", saad muli ni Giro.

"Okay, fine. Sana all may privacy.", mataray na bigkas ni bakla bago lumabas ng room.

Mabilis namang ni-lock ni Giro ang pinto kasabay no'n, yinakap niya ako ng mahigpit.

"Akala ko, huli na ako.",
"--Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Iresh. Dininig ng Diyos ang panalangin ko. And God, hindi na kita papakawalan pa. This time, I want you to be mine again. So can we start, love?", diretsang wika niya at ramdam ko ang tibok ng puso nito.

I love him.
Pero hindi pa ito ang tamang panahon at pagkakataon na maging kami ulit.

"I'm sorry, but we can't. Hindi na kita pwedeng payagan pa. Hindi na kita pwedeng tanggapin pa. At lalong hindi pwedeng maging tayo.", seryoso kong sabi.

Napaalis naman siya sa pagkakayakap at malungkot akong tiningnan.

"Iresh, hanggang kailan ba maaalis ang galit mo sa akin?",
"--Hindi naman kita sinaktan. Pinili ko lang kung ano ang makakabuti sayo. Oo, pumatol ako sa kapatid mo pero ikaw pa rin no'n ang mahal ko. Nagpaliwanag na ako sa'yo dati diba? Sinabi ko na sayo ang dahilan. Pero bakit ang hirap para sayo na maniwala?",

"Pwede ba Giro, 'wag na 'wag mong sasabihin na hindi mo ako sinaktan! Dahil alam nating dalawa kung gaano kasakit ang ginawa mo! Pinagtaksilan mo ako! Sa araw na 'yon, gusto na kitang ipakilala kay papa. Pero malalaman ko na kayo ng dalawa ni Sherlyn! Anong klaseng lalaki ka?!", giit kong sigaw kasabay ng paghakbang ko paatras.

"Kaya nga gusto kong itama ang lahat. Hayaan mo akong itama 'yon. Just give me another chance to prove it, please?", pagmamakaawa nito.

"NO.", madiin kong bigkas.

Tinuro ko ang pinto para iparating sa kanya na umalis na rin siya.

"Iresh--",

"Lumabas ka na, bago pa mandilim ang paningin ko.", cold kong turan sa binata.

Napahinga siya ng malalim at ilang segundo, sumunod na rin siya sa utos ko.

Nang makaalis, tuluyan akong napa-upo sa kama.

Kapag binabalikan ko ang nakaraan, nanghihina talaga ako.

Pero gaya ng sinabi ko, this is not the perfect time.

Hindi pwedeng maging kami ulit sa madaling paraan.

Susubukin ko muna siya kung talagang mahal niya ako.

Yes, I believe in second chance at nasa kanya na 'yon kung paano niya ako susuyuin kahit na sinabi kong ayaw ko.

©Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon