Part 2

1.9K 59 0
                                    

"PART 2 SECRET RELATIONSHIP"

2 weeks.

It's been 2 weeks, simula ng malaman ko ang relasyon nila ate at Giro.

Mahirap para sa akin na tanggapin 'yon, pero unti-unti kong kinakaya na tingnan sila na magkasama.

Palagi na kasing nasa bahay ang binata at binibisita ang kapatid ko.

Kahit nasa sala ako, rinig na rinig ko ang harutan nila ni ate sa kwarto nito.
To be honest, kanina pa ako nabibingi at naririndi sa kanilang dalawa.

Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa pag-gawa ng thesis.

"Iresh, pwede bang timplahan mo kami ng juice ni Giro? Na-uuhaw na kasi kami.", utos na wika ni ate sa akin.

Bigla itong lumabas ng kwarto at nakatayo sa harapan ko.

"Bakit 'di na lang ikaw ang tumimpla? Total, BOYFRIEND MO SIYA, diba?.", sakrastikong turan ko.

Napangisi naman siya kasabay ng pag-kuha nito ng mga papers sa mesa.

"Susundin mo ako, o pupunitin ko 'to?", pananakot na sambit niya.

"Pa'no kung ayaw ko?", mapanghamon kong tugon.

"You know me sister. Kaya kong baliktarin ang sitwasyon. Isang sumbong ko lang kay papa, paniniwalaan niya agad ako.", pahayag nito.

Awtomatikong binitiwan ko ang laptop at sinunod ang utos ni ate.

Her name is Sherlyn.
Panganay na kapatid ko. At paboritong anak ni papa.
Sa aming dalawa, siya palagi ang bida. Siya ang mahal ni papa.
Samantalang ako, etchapwera lang.

This is the reason, kung bakit ang dali para kay papa na tanggapin ang relasyon nila ni Giro.

Shit!

Sa sobrang sama ng loob ko, binuhos ko sa pagtitimpla ng juice ang galit ko.

Nang matapos ako, wala na si ate sa sala.
Siguro nasa loob na ito ng kwarto niya.

Ilang katok na rin ang ginawa ko, pero hindi niya binuksan.
So no choice ako, kundi ang pumasok na lang.

And fuck!

They were kissing.

Nakita ko na nagkadikit ang labi nila sa isa't isa.
Lihis na rin ang strap ng dress ng kapatid ko habang nakapatong siya kay Giro.

Nanlambot tuloy ang tuhod at kamay ko dahilan para mahulog ang juice na aking dala.

Napatingin sila pareho sa gawi ko, kasabay ng pag-upo ni ate ng maayos.

"Ano ba 'yan, Iresh. Don't you see, we're making love. Masyado kang istorbo! Umalis ka na nga!", bulyaw nito.

Hindi ko pinakinggan si ate, sa halip, tiningnan ko ang reaksyon ni Giro.
'Di ko man mabasa ang pinaparating ng mata niya, but one thing I know, nagustuhan niya rin ang halik ni Sherlyn.

Dahan-dahan ko na silang tinalikuran at lumabas na ako ng kwarto.

Sa pangalawang pagkakataon, muli akong umiyak.

Umiyak ako dahil sa lalaking minahal ko ng husto, na ngayon, nasa kamay na ng kapatid ko.

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon