Part 19

1.4K 38 0
                                    

PART 19 of SECRET RELATIONSHIP
____

Giro's POV:

Sa isang kubo kami huminto.
Sa isang kubo ko rin binaba si Iresh.

Ang mukha niya ay parang dragon dahil sa galit.
Ewan ko ba pero sa halip na matakot ako sa ekspresyon niya. Mas naganahan pa akong asarin siya.

"Ang bigat mo pala. Sa lagay mong 'yan, masasabi kong isa ka ng dakilang baboy.", wika ko rito.

Nanliit naman ang mata nito at animo'y umuusok na rin ang ilong.

"Hindi ako baboy sadyang mahina lang ang resistensya mo.", giit na sambit niya.

"Talaga ba? But I can make a healthy baby, love. You wanna try it?", husky na bigkas ko.

Isang malakas na tadyak ang natamo ko galing sa kanya kaya namimilipit tuloy ako sa hapdi.

"Pwede ba, hindi tayo nandito para magsex. Napaka-manyak mo!", bulyaw nito habang dinuduro ako.

"Sorry na. Binibiro lang kita.", paglalambing sa dalaga.

Inirapan niya lang ako kasabay ng pag-upo sa katre na nakadekwatro ang legs.

"Anyways, yung sinabi mo kanina. I decided to give you another chance. So do your best para maging tayo ulit. Dahil kung hindi, hindi mo maririnig ang sagot kong 'oo'.",  wika niya na hindi man lang ako tinitingnan.

"Hindi ba pwedeng tumingin ka sa akin?",
"--Para akong virus na iniiwasan mo.", tugon nang tumabi ako rito.

"Pake mo ba kung ayaw kitang tingnan? This is my eyes. So just mind your own.", saad nito na may katarayan ang pananalita.

"I love you.", bigkas ko sa kalagitnaan ng pagtataray niya sa aking tabi.

"Hindi ako magsasawang sabihin 'yan sa'yo. Every minute, every hour, and everyday, I always love you Iresh.",
"--Alam mo bang simula nang iwan mo ako, halos napabayaan ko ang sarili ko. Pero kahit gano'n, hinintay kita. Because I know na babalik ka at magkakabalikan tayo.", litanya ko at hinawakan ang malambot nitong kamay.

"And now that you're here beside me, hindi na kita papakawalan pa.", muling bigkas ko kasabay ng paghalik ko sa noo ng babae.

Kaya bukas na bukas, ibubuhos ko na talaga ng todo ang pagmamahal ko sa kanya.

©Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon