PART 4 SECRET RELATIONSHIP
And now, I promised to myself na hindi na ako magpapa-apekto pa kila ate at Giro.
Sinabi ko rin sa aking sarili na 'yon na ang huling pagkakataon na iiyak ako dahil sa binata.Gusto ko na siyang kalimutan. At gusto ko na ring makapagmove-on.
Yes, I still love him.
Pero siguro dapat ko ng itigil ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil alam kong wala na itong patutunguhan.
Masaya na siya sa kapatid ko at ayoko na itong hadlangan pa."Mag-aabroad ka?", usisang tanong ni ate.
Nag-iimpake na ako sa mga oras na 'to habang ang passport ko ay nakalatag lang sa kama.
Tapos na ang second sem at napasa ko na rin lahat ng requirements ko sa school kaya wala na akong proproblemahin.
So I've decided to have a vacation in New York.
Kahit tatlong buwan lang, gusto kong makahinga ng maluwag.
And I want to start my new life without Giro.
"Hindi ka naman siguro pipi diba? Kaya sagutin mo ang tanong ko.", inis na turan muli ng dalaga.
"I don't need to answer your question Sherlyn. Nakikita mo naman na may passport ako at maleta. So 'wag kang bobo.", mataray kong bigkas.
"Wow! Tama ba yung naririnig ko? Tinatawag mo na ako sa pangalan ko?", litanya nito na hindi makapaniwala.
"Bakit hindi? Pasalamat ka, hindi ahas ang tinawag ko sayo.", taas-kilay na wika ko.
"Ohh, I got it! You're leaving, because you are affected. Sabi na nga ba, kami ang rason kung bakit ka aalis.", she said.
Oo, alam na ni Ate ang tungkol sa amin ng binata.
Last week pa nitong nalaman na EX ako ng boyfriend niya.Kaya nga, mas lalong uminit ang relasyon namin bilang magkapatid.
"So what? Ano bang pake mo? Dapat nga maging masaya ka, dahil masosolo mo na si Giro. And hello, inagaw mo na siya sa akin. Kaya 'wag ka ng mahiya na sagarin 'yang kalandian mo.", diretsang saad ko.
"Hindi ako mang-aagaw sister. And most of all, hindi ako malandi. Just accept the fact na hindi ka masarap. At 'yang mukha mo, do you think, mag-sstay si Giro sayo? Look at yourself in the mirror, ang panget mo Iresh.", natatawang tugon nito sa akin.
Kahit gusto ko na s'yang sabunutan, I control my anger.
Dahil baka hindi matuloy ang pag-alis ko.
Mahirap na, nasa baba si papa at nagkakape.
Ayoko namang bawiin nito ang passport sa akin."Don't worry, this would be the last time na makikita mo ang ganitong itsura ko, sissy.", bulong na bigkas ko.
Kinuha ko na ang maleta at passport kasabay ng paglabas ng kwarto.
Nagpaalam na ako kay papa pero ni isang 'ingat', wala akong narinig mula sa kanya.
And I feel that he does'nt care about me.
Pero okay lang, sanay na ako.
Nasanay na ako sa ganitong trato niya sa akin.
____
Nang makalabas ako ng bahay, nag-abang agad ako ng taxi.
At sa kalagitnaan ng paghihintay ko, biglang dumating si Giro.
Dala nito ang rosas at tsokolate para kay ate.
Nag-iwas tingin ako nang makita ko na sumulyap siya sa bagaheng hawak ko.
"Iresh.", tawag nito sa aking pangalan.
"Nando'n sa loob si Sherlyn, pumasok ka na lang.", malamig na turan ko without looking into his eyes.
"Hindi ang kapatid mo ang pakay ko rito... Nandito ako para sayo.", mahinang wika niya dahilan para mapalingon ako sa gawi ng binata.
"Iresh, I love you. Mahirap man paniwalaan pero ikaw talaga ang mahal ko. Hindi ko ginustong saktan ka--",
"I'm leaving. Pupunta na ako ng New York, so pwede ba, 'wag mo ng guluhin ang isip ko.", pagpuputol ko sa kanyang sinabi.
Akma na sana akong lalakad palayo, pero hinawakan ng lalaki ang kamay ko para pigilan.
"Please, listen to me Iresh. Just give me five minutes to explain.", paki-usap ni Giro.
"Nagmamadali ako. Kaya wala na akong oras para pakinggan ka.", madiin kong sambit.
Naging tanga na ako.
At hindi ko na hahayaan na maging marupok pa ako nang dahil sa kanya.

BINABASA MO ANG
SECRET REALATIONSHIP (Completed)
Kort verhaalIt just a short story pero alam kong magugustuhan niyo 'to. 💜