Part 9

1.5K 49 0
                                    

SECRET RELATIONSIP
__

Iresh POV:

Rinig ko ang malakas na hilik ni JM sa tabihan ko.

Nakasanayan na naming tumabi sa iisang kama dahil nga matakutin si Beki.

Wala naman 'tong malisya kasi mas talo pa ako nito sa kaartehan.

Kapag kaming dalawa nga ang magkasama, mas babae pa siya kung kumilos sa akin.

Napaurong ako ng konti palayo sa kanya sabay salpak ko ng headset sa tenga.

Yung music na pinatugtog ko ang theme song naming dalawa ni Giro. Naalala ko tuloy ang masaya naming ala-ala ng binata nung kami pa.

I admit that I still love him, pero kaakibat no'n ang sakit na dinulot nila ng kapatid ko.

Kaya nandito ako para gantihan si Sherlyn.

Gusto kong gumanti sa ginawa n'yang pagsira sa akin.

At kahit mahal ko pa si Giro, handa akong isantabi 'yon para maramdaman niya ang naranasan ko noon.

Ayokong pairalin ang puso ko dahil alam ko na magiging talunan ulit ako kapag inuna ko 'to.

"Hoy girl, matulog ka na. Anong oras na ohh. 'Wag mo ng isipin 'yang problema mo. Kasi bukas, magpapaka-lalaki ulit ako para sayo.", pagsisita ni Beki nang magising siya.

Nakita niya kasing nakamulat pa ang mata ko at malayo ang iniisip.

"Oo na, matutulog na ako sissy. Goodnight.", ngiting sambit ko.

Pinikit ko na ang aking mata at mahimbing na natulog.

Pag-gising ko, nasilayan ko na lamang na nakapang-porma si JM.

Ang hot ng datingan niya sa polo. Isama mo pa na nakabukas ang dalawang butones nito.

"Iresh, bumangon ka na d'yan. Nakabihis na ako, pero ikaw may laway pa sa gilid ng labi.", sambit niya kaya napabangon ako.

"Bakit pala ganyan ang postura mo? May lakad ka ba?", usisa kong tanong.

Because as far as I remember, wala kaming klase ngayon.

"Ayan! 'Yan ang epekto ng pag-iisip mo ng sobra. Nakalimutan mo na ba, birthday ni lola. So here, nagready ako baka bumigla ang mga kateam ko na pumunta dito, at baka rin bumigla ang ex mo.", litanya nito.

Napasapo ako sa aking noo nang sabihin niya 'yon.

"Hays. Bakit ba kasi ininvite mo siya?",

"At bakit naman hindi? You know what Iresh, may plano ako. And trust me, masisiyahan ka sa gagawin ko.", pakindat na bigkas ni JM.

Kinabahan tuloy ako sa planong tinutukoy niya.

Feeling ko kasi hindi ko makakaya ang pasabog ng baklang 'to.

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon