Part 10

1.5K 50 0
                                    

SECRET RELATIONSHIP
___

Giro's POV:

Pabalik-balik akong naglalakad ngayon habang iniisip ko kung pupunta ba ako sa bahay nila JM o hindi.

Masyadong naguguluhan ang isip ko at marami ring katanungan ang gumugulo dito.

Alam ko kasi na kapag dumalo ako do'n, makikita ko ulit ang lambingan nila ni Iresh.
Baka hindi ako makapagtimpi at magkaroon ng away sa kaarawan ng lola niya.

Kaso naalala ko naman ang sinabi ni Sherlyn.

Gusto kong kompirmahin ito.
Gusto kong malaman kung magkatabi nga ba sila sa iisang kama.
Gusto kong matuklasan ito gamit ng aking mata.

"Hoy pare, hindi ka ba dadalo kila JM? Tumawag kasi siya sa akin, tinatanong kung makakarating ka.", saad ng kateam ko.

"Hindi ko alam.", turan ko at kinuha ang shirt para sana umalis na.

"Nakakahiya naman Giro kung tatanggihan natin siya. Baka isipin no'n, ayaw nating makipagkaibigan sa kanya.", muling wika nito.

Natanaw ko ang pagtango ni coach para ipahatid sa akin na pumayag na ako.

Kaya wala na akong choice kundi ang mapa-oo.

At sa pagsapit ng alas-tres na hapon, sabay-sabay kaming tumungo ng mga kateam-mate ko sa bahay nila JM.

Nasa labas palang kami, rinig ko na agad ang malakas na music na nanggagaling sa loob.

"Pasok na po kayong lahat. Dahil ilang minuto na lang, lalabas na ang birthday celebrant.", sambit ng babae sa microphone.

Her voice is sweet.
Kapag naririnig ko ang boses niya, automatic smile agad ang labi ko.

"Babe, diba sabi ko, 'wag mong pagurin ang sarili mo. Marami naman akong kinuhang tao para mag-asikaso ng lahat.", litanya ng binata sa dalaga na medyo pawis na.

Eto agad ang bumungad sa mata ko, pagkapasok namin.

Ramdam ko ang pagmamahal nito kay Iresh.
Yung dating ginagawa ko sa babae, siya na ang gumagawa ngayon.

"Wow! Ang tamis niyo bro! Kayo na talaga ang may forever!", sigaw ng isa kong kasama dahilan para mapalingon sila sa aming gawi.

"Andyan na pala kayo. Saktong-sakto at magsisimula na ang okasyon.", ngiting sabi nito.

Hindi ako umimik dahil yung tingin ko, nakatuon sa kamay ng lalaki na naka-akbay sa taong mahal ko.

"Babe, ako na ang kukuha ng alak niyo.", pagpapaalam ni Iresh sa nobyo niya.

"No babe, dito ka lang sa tabi ko. As what I've said, may mga tao akong kinuha kaya sila na ang bahala no'n.", turan niya at mabilis na hinalikan ang dalaga.

Napasigaw sa kilig ang mga kateam ko at pati si coach, nakisawsaw sa ingay.

"Grabe! Iba rin talaga ang galing sa ibang bansa. Masyadong wild!", pabirong sambit ng coach namin.

Dapat pala hindi na ako sumama, tangina!

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon