Part 18

1.3K 38 0
                                    

PART 18 of SECRET RELATIONSHIP
___

Iresh POV:

"Girl, patawarin mo na si fafa Giro. Tingnan mo ohh, kawawa naman.", bulong ni JM sa aking tenga.

Naglakad ito palapit kung nasa'n ako, kaya nagtilian naman ang mga estudyanteng nasa loob ng court.

Halo-halong emosyon ang umaapaw sa damdamin ko.
Eto kasi ang unang beses na pinagsigawan ni Giro kung gaano niya ako kamahal.

"Iresh, will you be my girlfriend again? But I will make sure that time, our relationship will not be a secret anymore. Pero kung ayaw mo pa talaga, hayaan mo akong ligawan ka. Magsisimula ako sa umpisa, hanggang sa matutunan mo ulit akong mahalin.", he said again.

Masyado tuloy akong na-awkward dahil hindi ako sanay na maging centro ng atraksyon.

Kagat-labi ang tanging nagagawa ko habang hindi ako makatingin ng diretsa sa mata ng binata.

Kaso mas lalong nagsigawan ang mga kababaihan nang lumuhod si Giro sa harapan ko.

"I want to repeat my question, love.",
"--Will you give me a second chance?", pagtatanong niya.

"Pumayag ka na! Ang swerte mo nga kay kuyaa!",
"Kung ako sayo, sagutin mo na siya, bahala ka, aagawin ko 'yan!", rinig kong sabi ng ibang babae.

Hays. Ang hirap magdesisyon.
Pero naisip ko na kapag pinatagal ko naman ang pagpapahirap kay Giro, baka mapunta siya sa iba.
And God, hindi ko yata makakaya 'yon.

"Tumayo ka nga d'yan. Mag-uusap tayo.", bigkas ko sa lalaki.

Ako na ang naunang humakbang para maging hudyat ito na sumunod siya.

Sinenyasan ko naman si JM na 'wag na muna kaming istorbohin kaya ayon nagpaiwan sa court.

"Sa'n ba tayo mag-uusap?", sambit ni Giro sa likuran ko.

"Pwede bang maghintay ka? Ayokong mag-usap sa mataong lugar. Kaya do'n tayo sa kubo.", mataray kong turan.

"Woah. Kubo agad? Anong gagawin natin do'n?", ngising saad niya nang harangin ako.

"Mag-uusap malamang. Ano pa ba ang iniisip mo?", malamig kong sagot.

"Wala naman. Marumi lang kasi ang nasa isip ko.", turan niya habang kumakamot sa batok.

"Ang daldal mo.", masungit kong bigkas.

Pero ang loko, bigla akong kinarga na pangkasal.

"Ano bang--",

"Shut up Iresh. Ang daldal mo rin.", pag-uulit niyang sambit sa sinabi ko.

Grrrrr!!!

Nagsisi akong kinausap ko ang mokong na 'to!

© Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon