Part 16

1.3K 40 0
                                    

PART 16 of SECRET RELATIONSHIP
___

Giro's POV:

Mas lalo akong ginanahan na ipagpatuloy ang plano ko.

Sa wakas, makakagalaw na rin ako ng malaya.

Wala na akong dapat ipangamba pa dahil suportado na rin si Sherlyn sa amin ni Iresh.

Exactly 4:30pm.

Nasa court na kami ng mga ka-team ko.
Marami na ring estudyante ang nandito, pero hinahanap pa rin ng mata ko ang dalaga.

Hindi ko siya maaninag.
Hindi ko makita ang presensya nito.

Kung hindi siya makakapanood ng laro ko, malamang masisira ang ginawa kong surpresa para sa kanya.

"Bro, magready ka na. Ilang minuto na lang, mag-start na ang game. Digmaan pa naman ang makakalaban natin. 3 times na silang nagchampion, dapat tayo naman ang makakuha ng tropeyo.", pagwiwika ni Alfred sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon.

Ilang saglit pa ay nasilayan ko na si JM. Nakasuot ito ng palda at wig habang may make-up sa mukha.
At oo, kasama niya si Iresh na simple lamang ang kasuotan.

Masigla akong napatayo at kaagad na kinuha ang jersey sa aking bag.

Ako lang ang kakaibang jersey ngayon dahil yung suot kong short ay mukha ni Iresh ang nakaukit do'n, samantalang sa pantaas naman nakalagay do'n ang pangalan niya at apelyido ko ang gamit.

Nagtaka lahat ng mga ka-team at maging si coach ay nagtatanong kung bakit ganito ang design ng damit ko.

"Giro, nasa tamang pag-iisip ka ba? Kasi kung hindi, mabuti pang 'wag ka ng maglaro.", sita nito na may irita sa boses.

"Coach, hayaan mo na ako. I just need to this. At etong game, ipapanalo ko.", saad ko    naman.

"Hays, bahala ka nga. Siguraduhin mo lang na mananalo tayo.", pagpayag niya sa aking kagustuhan.

Pakamot-kamot itong bumalik sa kanyang pwesto, habang ako ay inayos ko pa ang suot.

"Ang dami mong sekreto pare. Buong akala namin, hindi mo naging girlfriend si Iresh. Ang gulo rin pala ng buhay mo.", bigkas nito sa aking tenga.

Umiling na lamang ako at hindi na ito pinansin.

Wala akong oras para magpaliwanag sa kanila, dahil mamaya, malalaman din ng lahat ang tungkol sa amin ng dalaga.

©Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon