Part 20

2.3K 61 1
                                    

PART 20 of SECRET RELATIONSHIP (FINALE)
___

Giro's POV:

Matapos ang pag-uusap naming dalawa ni Iresh, hinatid ko na siya sa bahay nila JM.

Samantalang ako, tinungo ko ang bahay ni Sherlyn. Tinext ko kasi siya na ngayon niya na sabihin ang totoo sa dad nila.
Ayoko ng patagalin pa ang lahat dahil excited na akong maging asawa si Iresh.

Yes, hindi ko na idadaan pa sa ligawan o pagiging nobyo at nobya ang label naming dalawa.
Gusto ko yung sigurado na agad na akin siya.
Kaya nga pumunta ako dito para hingin ang pagpayag ng dad nila.

"Kumain ka na ba hijo?", mabils na saad nito sa akin nang makapasok ako.

Nasa sala kami at kasalakuyan na ring nakaupo si Sherlyn. She's smiling at me na tila nagpapahiwatig na nagawa niya ng sabihin ang pinangako nito sa akin.

"Salamat ho tito, busog pa naman ako.", magalang na tugon ko.

"Kung gano'n, ang pinunta mo ba rito ay tungkol sa anak kong si Iresh?", paghuhulang sambit niya.

"Opo tito.",

"Bakit ba kasi hindi niyo agad sinabi ang relasyon niyo? Naabot pa tuloy sa ganito ang sitwasyon.", wika muli ng lalaki.

"Dad, 'wag na po nating balikan 'yon. It's all my fault kaya wala silang kasalanan.", mahinang saad ni Sherlyn sa ama.

"Then what is your reason Giro? Ano pa ba ang sasabihin mo?",

"Tito, alam kong hindi pa 'to ang tamang oras, but I want to marry your daughter. Gusto kong makasal na kami bukas.", direktang tugon ko dahilan para magulat sila.

"Sandali nga, masyadong imposible 'yang hinihiling mo. Maraming proseso ang gagawin niyo bago kayo ikasal.", wika nito.

"Alam ko ho tito. Pero planado na ang lahat. Kakausapin ko na lang si Uncle para siya ang kumasal sa amin. It just a civil wedding but soon, ihaharap ko rin siya sa altar.", pagpapaliwanag ko naman.

And because of that, pumayag si tito.

Pumayag siya na maging asawa ako ni Iresh.
__

Hindi ako nagpahinga ngayong araw,
nag-asikaso ako ng bongga para sa gaganapin na okasyon bukas ng umaga.
Katulong ko sa pag-aayos sila Sherlyn at JM. Kinuntsaba ko sila para tulungan ako.

Kaya ang tanging hiling ko ay maging matagumpay ang paghihirap ko.

__

At heto na nga, sumapit na ang kaliwanagan sa langit.

Hindi ko maiwasan na 'di kabahan dahil baka ma-reject lang ako ni Iresh.

But I choose to trust myself.
I know that she loves me too. At 'yon ang panghahawakan ko.

Dumating na rin si Uncle. Siya itong magpapakasal sa amin para maging legal kaming mag-asawa ng taong mahal ko.

Exactly 7:00 a.m in the morning, bumukas ang pinto at tumakbo palapit sa akin ang beking kaibigan ng dalaga.

"Fafa Giro, Iresh is here! Pumwesto ka na!", sigaw ni JM kaya mabilis akong kumilos.

Minutes later, tumapak na ang babae.

Pagtataka ang nakaukit sa mukha nito habang inisa-isa ang bawat sulok.

"Ano 'to?", tanong niya na parang naguguluhan.

"A civil wedding Love, para sa kasal natin.", I simply replied.

"Kasal? Are you out of your mind? Ni hindi ka nga sa akin nagpropose tapos kasal agad? Ano ka siniswerte?", litanya nito

Napalunok ako ng laway sa bahagyang pagtaas ng boses niya.

"But I already asked your dad. Diba eto naman ang hinihintay natin, noon pa? Ang maging legal tayo sa papa mo.",

"Noon 'yon, hindi ngayon.", muling sabi ni Iresh.

"Pero--",

"Ayoko. Hindi ako papayag na magpakasal tayo noh, unless--", saad niya na may ngisi sa bibig.

"Unless what?", tugon ko naman.

"Unless, kung susundin mo ang gusto ko.",

"Ano bang gusto mo? I mean, ano ba ang gusto mong ipagawa sa akin?", pagtatanong ko sa kanya.

"I'm talking about the barbie challenge.", agad na sagot ni Iresh.

"What?", kunot-noong bigkas ko habang nagsasalubong ang kilay.

"H'wag na lang. Ayaw mo yata eh. Sige, alis na lang ako--", wika nito na akin namang ikinapayag.

"Fine, I'll do the challenge, para sa kasal natin.", labag sa loob kong desisyon.

"Then sure. I'll marry you.", kindat na sambit niya.

I don't have choice kundi ang gawin nga ito.

Nagmukha tuloy akong tanga habang suot ko ang wedding gown na dapat kay Iresh. While my girl is wearing a sleeve na panlalaki.

Shit! Ibang klase yata ang kasal namin.

"Oh, ganyan lang? Hindi ka man lang sasayaw?", pagsasaad nito.

"Iresh.", madiin ko ng bigkas sa pangalan niya.

Sa tono kasi ng pagkakasabi ng dalaga, I know na meron pa s'yang gustong ipagawa.

"Hays. Icancel ang kasal--",

Muli kong pinigilan ang sasabihin niya.
And for the second time, I agree again.

"Love naman eh. Eto na ohh. Sasayaw na ako. JM, pa-play ng Ivana song, isabay mo na rin ang catriona, tapos tala.", saad ko kay bakla.

Napuno ng tawanan ang loob ng bahay dahil sa ginawa kong kabaliwan.

Hiyang-hiya ako sa sarili ko sa pinang-gagawa ko.
Pero nawala 'yon nang masilayan ko ang malawak na ngiti ni Iresh.

After the dance, mabilis kong hinagkan ang labi ng dalaga.

"I do. I do. I do. Ayan, ako na ang sumagot para wala ng bawian. So from now on, your my wife. I love you.", sambit ko sa harapan ng kaibigan at kapamilya namin.

"Andaya mo rin eh. I love you too.", sweet na tugon niya at pasimple akong kinurot.

This day, is the best and memorable for me.

Wala ng samaan ng loob dahil nagkabati na rin sila Sherlyn at Iresh.

Kaya ngayon ang tanging poproblemahin ko na lang ang pag-buo namin ng baby.

Shet! Pareho kasi kaming virgin at wala pang karanasan. Baka maging epic ang honeymoon namin mamaya.

Pero ayos lang, as long as wala ng hiwalayan ang magaganap sa amin.

Because Iresh is my life.
And she's my everything to me.

----END OF THE STORY---

©Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon