Part 7

1.6K 48 0
                                    

PART 7 SECRET RELATIONSHIP

Giro's POV:

Sa araw na lumipas, mas lalong nagiging malapit ang distansya naming tatlo. Pinaglalapit kami ni Tadhana dahil nakapasok sa team namin ang boyfriend ni Iresh na si JM.
Tuwing may practice kami, nando'n ang dalaga para panoorin ang kanyang nobyo. Nando'n siya para punasan ng pawis si JM. At nando'n siya habang hawak-hawak ang mineral water na iinumin ng binata.

And shit! Palihim ulit akong nilalamon ng selos.

Buong buhay ko kasi, hindi ko naranasan 'yan dahil nga sekreto ang relasyon namin noon.

Pero ngayon, mas na-una niya pa itong ginawa sa iba.

"Dude, ang galing mo.", komplimentong sambit ni JM nang makipag-abrasa ito sa akin.

Tipid akong ngumiti at tumango bilang tugon sa kanya.

"Pa'no, may handaan sa bahay namin bukas. Birthday kasi ni lola, pumunta kayo do'n ha?", pag-aaya niya.

"Hindi ako sigurado. Marami akong gagawin. Sila na lang siguro.", saad ko sabay turo ko sa iba naming ka-team.

"Gano'n ba, sayang naman.",
"--Pero try mo pa ring pumunta. Para naman makilala ko kayong lahat.", patuloy nitong sabi.

Sa pangalawang beses, tumango ako.
Hanggang sa lumapit na si Iresh sa tabi ng binata.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero ka-agad n'yang niyapos ang bewang ng lalaki.

"Babe, hindi pa ba kayo tapos mag-usap. Nagugutom na kasi ako.", malambing na wika nito sa kanyang nobyo.

"Actually, tapos na rin babe. Pa'no dude, uwi na kami ng girlfriend ko. Ikaw na lang ang magsabi kay coach.", pagpapaalam ni JM sa akin.

"S-sige.", tipid na turan ko.

Tumalikod na silang dalawa at naghakbang na palabas ng gym.

Kukunin ko na sana ang aking gamit para umuwi na rin, kaso narinig ko ang boses ni Sherlyn sa likuran ko.

"I guess, alam mo na ang tungkol sa kanilang relasyon.", litanya nito kaya napalingon ako sa dalaga.

"Pero, hindi lang sila magjowa Giro. Live in partner na rin sila.", muling sabi niya.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko dahil hindi ko inaasahan na malalaman ko 'to.

"Na-shookt ka yata? But anyways, kung binabalak mong agawin si Iresh sa taong 'yon, 'wag mo na lang ituloy. Kung ako nga, nagagawa kitang patungan sa kama, yung kapatid ko pa kaya?", ngising turan ni Sherlyn.

"Ano bang pinagsasabi mo?", inis na tanong ko na may halong pagkagulo sa aking isipan.

"Masyado ka namang slow Giro. Kakasabi ko lang diba, live in parter na sila. Sa iisang bubong na sila nakatira. Sa iisang bubong na kung saan magkatabi silang natutulog. So what do you expect? Syempre, kahit sinong tao, iisipin na ilang beses na siyang nagalaw. In short, she's not virgin anymore.", natatawang saad nito.

Bahagya n'yang pinisil ang pisngi ko, bago umalis sa aking harapan.

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon