Part 5

1.7K 59 0
                                    

PART 5 SECRET RELATIONSHIP

Giro's POV:

Nakipaghiwalay na ako kay Sherlyn.
Pero 'di pa rin bumalik si Iresh.

Almost 3 months na rin s'yang nasa state.

Gustuhin ko mang tawagan siya, pero hindi ko na alam ang number ng dalaga.
Hindi ko na rin siya ma-chat dahil blinock niya ako nung maging kami ng kapatid niya.

I missed her so much.
I missed her sweet voice.
I missed her laugh.
I missed her hugs.
And I missed her kiss.

Pero wala akong magawa kundi ang hintayin siyang umuwi.

"Iresh is back!", rinig kong sigaw ng isang kaklase niya nang dumaan ako sa room nila.

Napahinto ako sa paglalakad at sumilip ng bahagya kung saan galing ang boses.

"And you know what guys, ang daming nagbago sa kanya. She's now pretty!", patuloy na sambit nito.

Kahit papano, napangiti ako nang malaman kong nandito na ulit siya.

Pero ang ngiting 'yon, kaagad napawi dahil sa katagang binitawan muli ng babae.

"Nakakainggit nga eh, kasi nakita ko siyang may kasamang lalaki na sobrang gwapo. At hindi ako magkakamali na boyfriend niya 'yon.",

After hearing that words, I decided to continue walking.

Gusto ko munang umuwi at magpahingang saglit.
Nawalan na kasi ako ng gana na pumasok sa next subject.

Lutang ang pag-iisip ko na naglalakad sa hall way.

Wala akong pakialam kung may mabangga akong tao.

Ganito talaga ang kilos ko, kapag galit.

"Ouch!", maarteng bigkas ng taong nabundol ko ng aking balikat.

That voice was so familiar to my ears.
'Di ko na sinayang ang pagkakataon at agad kong tiningnan ang dalaga.

"Iresh?", saad ko sa pangalan niya.

Mataray siyang napalingon sa akin, and this time, napatitig na kami sa isat-isa.

Tama nga yung kaklase niya, maraming nag-iba sa babaeng mahal ko.
Ang panunoot nito, ang buhok nito, at ang istura nito, ibang-iba na.

"I-it nice to see you again.", utal kong turan.

"And it's bad to see you again. In short, I'm not happy to see you Giro.",

"Iresh--",

"Don't call me on my second name. Because as far as I remember, hindi na tayo close. So instead of calling me Iresh, much better to call me Ivana.", malamig nitong tugon.

Medyo nalungkot ako sa pakikitungo niya sa mga oras na 'to.

Hindi lang pala sa panlabas na anyo ang nagbago sa kanya, pati pala ang panloob na ugali, binago nito.

"Sweetie, nabili ko na ang gusto mong pagkain. So let's go? Baka kasi naghihintay na si Dean sa akin.", bigkas ng binatang lumapit kay Iresh.

Nakapulupot na ang braso nito sa bewang ng dalaga.

Bago sila umalis sa harapan ko, ibang ngiti ang tinapon ni Iresh sa akin.

That smile have a deep meaning.

At alam kong may balak s'yang paselosin ako.

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon