Part 17

1.3K 42 0
                                    

PART 17 of SECRET RELATIONSHIP
___

Iresh POV:

"Siss, look. Si fafa Giro, mukha mo ang nasa short niya. Ayieeh.", pagkikiliti sa akin ni beki.

Pero kunware deadma lang ako para hindi halata na kinikilig ako.

Kailangan ko kasing ipakita kay Giro na wala na akong pake para malaman ko kung hanggang saan ang gagawin niya.

At sa tingin ko, hindi nga siya sumuko.

Nagsimula ang game na halos sa kanya lang ang atensyon ko.
Everytime na nakakashoot siyang 3points, sumusulyap ito sa gawi ko kaya iniiwas ko naman ang tingin ko sa binata.

"I LOVE YOU IRESH. PARA SAYO 'TO!", sigaw niya kasabay ng pagtapon nito ng bola sa basket.

Pero malakas na tawanan ang pinakawalan ng mga tao dahil hindi niya ito na-ishoot.

"Ay hehe. Joke lang pala.", kumakamot na sambit ni Giro.

Bahagya rin akong natawa sa inakto ng lalaki. He's so cute.

"Ang epic naman ng galawan ni fafa Giro. Nakakahiya tuloy. Hmmp.", rinig kong bigkas ni Jm.

Pero kahit gano'n, sa huli, ang team pa rin nila ang nanalo.

Nasungkit nila ang tropeyo dahil natalo nila ang ibang University.

And yet, I'm so proud of them.

"Lumabas na tayo, siss.", saad ko sa aking kaibigan na bakla.

Tapos na rin naman ang game nila Giro kaya wala ng rason para tumagal pa ako sa court.

"Hindi mo man lang ba icocongrats si fafa?", saad nito.

"JM, hindi ako nandito para makipagbati. Kaya tara na.", taas-kilay kong tugon.

"Okay. Sabi mo eh.", kibit-balikat na turan niya.

Tumayo na kaming dalawa at akma na sana kaming aalis sa pwesto. Kaso nga lang, narinig ko ang boses ni Giro sa speaker.

"Attention everyone. Please, 'wag muna kayong aalis sa kinauupuan niyo. Dahil gusto kong maging witness kayo sa pagmamahalan namin ni Iresh.",

Nang bigkasin nito ang pangalan ko, unti-unti kong linunok ang aking laway.

Dahan-dahan na rin akong napalingon sa kanyang gawi na ngayon ay nakatutok sa akin ang hintuturo niya.

"The girl wearing a red t-shirt, siya ang babaeng mahal na mahal ko. I love her so much, but she always pushing me away. Pero kahit anong pagtulak ang gawin niya, hindi ako titigil na mahalin siya. Because Iresh is my first love and I'm willing to do my best para mahalin niya ulit ako.",
"--So love, pwede bang bumalik ka na? Balik ka na sa akin, ohh. And this time, 'wag na tayong tumago sa mga tao. Damn it, I'm so inlove with you.", mahabang wika ng binata dahilan para lumakas ang kabog ng puso ko.

He's really sincere.

© Binibining_Timoji

SECRET REALATIONSHIP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon