17

27.3K 478 40
                                    

Ilang oras pa ang lumipas bago lumapag na sa likod ng mansyon ang hellicopter na sinasakyan nila Rose at Aling Dori.

Walang sinayang na sandali si Aling Dori, hinila agad sya nito, kulang na lang ay madapa sila sa pagmamadali.

Dahil sa likod sila dumaan, sa kusina dapat sila didiretso.

Kay nagtaka si Rose nang imbes sa kusina sila dumaan umikot pa sila sa garden para lang sa harap sila makapasok.

Nang makarating sila sa tapat ng malaking pinto, siniguro muna ni Aling Dori na presentable ang itsura nila.

Inayos nito ang ilang hibla ng buhok nya na nagkalat, mabilis na pinunasan nito ang pawis nya.

Nang masigurong ayos na ang ang lahat, binuksan na nila ang pinto.

Nang makapasok sila at makarating sa sala ay hindi na napigilang magtanong ni Rose.

"Aling Dori ano ba tala-"

Naputol ang lahat ng sasabihin nya, napaang ang kanyang labi, hindi sya makapaniwala sa nakikita.

Ang kanyang papa ay masayang nakikipagkwentuhan sa asawa nya at sa mga magulang nito.

"Anak" may lambing na pagtawag sa kanya ng kanyang papa nang mapansin nito ang presensya nya.

Tumayo ito at lumapit sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

Maluha-luha si Rose sa sobrang tuwa, dalawang taon din silang hindi nagkita ni Don Mendoza kaya ngayong yakap na nya ito ay labis-labis ang sayang nararamdaman nya.

"Pa I miss you"

Napangiti naman ang kanyang ama.

"I miss you too my princess," bulong nito saka sya pinakawalan.

"Saan ka ba kasi nakarating? Tawag ako ng tawag hindi ka macontact buti na lang sinundo ako ni Poseidon"

Huh? Sinundo ni Poseidon?

Bigla naman nyang naalala na hindi lang sila ang tao sa sala  ng banggitin nito ang asawa nya.

Nang tumingin sya sa paligid, nakita nya na naroon din si Don Aragon, ang kinakasama nitong si Donya Lira pati si Poseidon na nakatunghay din sa kanila.

"Magandang gabi po," magalang na pagbati nya sa mag-aswang Aragon.

Tumango naman ang mga ito sa kanya.

"Bibili ka lang ng ice cream ang kailangan abutin ng sampong taon?" kunwaring nagtatampong biro sa kanya ni Don Mendoza.

"Huh? Galing kami ng os-"

"Eto na po ang ice cream medyo natunaw na nga lang po, trapik kasi po,"  biglang singit ni Aling Dori sa sasabihin nya.

Nagtatakang napatingin sya kay aling Dori, nakataas ang kamay nitong may hawak na plastik na may lamang ice cream.

Huh? Paanong trapik eh naghellicopter kami? Tsaka Galing kaming ospital di ba? Saan galing yung ice cream?

Nalilito na talaga si Rose sa nangyayari, marami syang tanong sa isip,

Gusto nyang malaman kung paanong nakakatayo agad si aling Dori , eh kanina lang nagaagaw buhay to?

Gusto nyang itanong kung sinong nagsabing  bumili lang sya ng ice cream, eh maghapon syang nasa ospital?

Saan galing yung ice cream?

Anong ginagawa ng papa at step mother ni Poseidon dito?

Higit sa lahat anong masamang hangin ang nasinghot ng asawa nya, bakit nito sinundo ang papa nya at bakit napakalagkit ng titig nito sa kanya.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon