"Damn! I feel like someone smash my head repeatedly on a wall. Fvck all the liquors in the world!"
Sinulyapan ni Rafael si Lucifer na kakapasok lang ng kusina. Reklamo ito ng reklamo habang hinihilot ang sintido.
"Dapat natulog ka pa."
"Paano ako makakatulog kung tunog ng tunog 'tong cellphone ni Poseidon."
Itinaas ni Lucifer ang isang mobile phone na biglang nagring ng malakas.
" Damn that phone! Nasaan ba kasi may ari n'yan?"
"Sa salas, bulagta pa kasama si Eros," nakasimangot na sagot ni Lucifer saka umupo, padaskol na ipinatong n'ya sa lamesa ang maingay na cellphone ni Poseidon.
" Anong ginagawa mo?"
" Isinasalin ko lang itong chicken soup na niluto ni Seb bago umalis kanina. Kumuha ka ng kutsara mo para makakain na tayo."
Lucifer smiled warmly. Ito ang maganda sa kanilang magkakaibigan kahit pa meron silang problema sa isat isa. Lagi pa rin nanaig ang pagtuturingan nila bilang tunay na magkakapatid.
"Sinong huling natulog kagabi?" tanong ni Lucifer habang sinisimulang lantakan ang isang mangkok ng chicken soup. Binaliwala nito ang pag-iingay ng cellphone na nasa gilid lang niya.
"Si Poseidon, nakatulog ako na ubos na ang alak pero yung luha ni Poseidon patuloy pa rin sa pag-agos. He was so broken to the point that I can't even start a conversation with him. Kaya ginawa ko ayun sinamahan ko siya magpakalasing," sagot ni Rafael bago sumubo ng isang kutsarang may sabaw.
Nagdilim ang mukha ni Lucifer, humigpit ang pagkakahawak niya sa sariling kutsara.
He felt his anger flow through his veins when he realized that Poseidon stay up all night. Enduring all the pain that his own wife inflicted to him.
"We should do something. We should make her pay for hurting our friend, " puno ng pagkasuklam ang boses ni Lucifer para itong isang demonyong nagbabalak ng masama sa isang walang labang nilalang.
"Nonesense! Hindi tayo gaganti, hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang mali."
"But she deliberately destroy Poseidon," Lucifer tried to argue.
"Gumanti lang siya, naunang nanakit si Poseidon kaya ibinalik lang ni Rose lahat ng sakit na naranasan n'ya kay Poseidon."
"Idimanda na lang natin, tutal ginamit n'ya ang pangalan ng papa niya para lokohin tayong lahat."
"Hindi puwede Lucifer. Legal lahat ng ginawang kilos ni Rose. Yung mga papales na ginamit niya computer generated kaya hindi na kailangan ng pirma ng papa niya. Sa paggamit niya ng pangalan ng papa n'ya, legal din dahil binigyan siya ng authority ng papa niya. Her every step is calculated and legal. I tried to find some loop whole...but nothing. "
"Magaling trumabaho ang kaibigan mo. Isn't she your bestfriend? Why are trying to find something that can break her?"
Binitawan ni Rafael ang kutsara, inilapag niya ito sa lamesa saka diretsong tiningnan si Lucifer.
"She is my bestfriend but what she did is wrong. I am an attorney for a reason."
Lucifer just smirked at him.
"Basta hindi ako titigil hanggat hindi ko nagagantihan iyang si Rose. Magkakamatayan muna bago ko kalimutan ang mga ginawa n'ya. "
Tinaasan lang siya ng kilay ni Rafael. Tutul siya sa balak ni Lucifer pero walang siyang magagawa dahil hindi niya hawak ang isip nito.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...