"Ikaw?!" tumayo si Lucifer saka dinuro ang nagtaksil sa kanila, nagdidilim ang kan'yang paningin sa galit, wala s'yang pakialam kahit pa marinig ng lahat ang boses n'ya. Kulang ang pagsigaw-sigaw para maipakita kung gaano s'ya nasasaktan sa pagtatraydor ng kaharap.
Kumunot ang noo ng salarin, para itong batang naguguluhan at nagtatampo dahil pinagalitan ng magulang. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Poseidon at sa mga kaibigan nito na isa-isang nagsitayo mula sa pagkakaupo sa couch.
"Poseidon, ano bang ibig sabihin nito? Ano bang pinagsasabi mo Lucifer?" tanong ng may sala.
Mula sa pagkakatitig sa salarin ay lumipat ang tingin ng mga kalalakihan kay Poseidon na nakapagtakang kalmado sa nangyayari ngunit kahit wala itong kibo ay halata ang sakit at lungkot sa mata nito.
Nang hindi ito umimik lahat ng atensyon nila ay muling itinuon sa taong nakatayo sa pinto.
Duke only scoffed, bagamat wala itong sinabi ay halatang naiirita s'ya dahil sa galing umarte ng salarin, tinalo pa nito ang isang batikang artisa.
"Don't act like you are fvcking innocent! How could you do this to us!?" kulang na lang ay mayanig ang building sa sobrang lakas ng pagbulyaw ni Lucifer, nanginginig ang buong katawan n'ya ngunit pinipilit n'yang pigilan ang sarili na sugurin at saktan ang kaharap.
Maging si Eros ay naikuyom ang kamay sa galit, marami s'yang gustong sabihin ngunit hindi n'ya alam kung saan magsisimula kaya nanatili s'yang nakatayo at nakamasid.
Tahimik lang na nagmamasid si Neptune, wala sa ugali n'ya ang makelam sa problema ng iba. Lalo na kung hindi naman hiningi ang tulong n'ya.
"You betray all of us how could you?" bagamat may diin at mahina mababakas pa rin ang lungkot at sakit sa boses ni Rafael.
"Anong pinagsasabi n'yo?" maangmangang tanong ng salarin, kung hindi pa nila hawak ang ebidensya ay malamang maniniwala sila na inosente nga ito dahil sa galing nitong magkunwari.
"Stop acting! We will not buy it now! Neptune already knew who you are and what you did behind our back!"
Lumipat ang tingin ng salarin mula kay Lucifer papunta kay Neptune.
Nakangising itinaas ni Neptune ang cellphone saka muling pinindot ang play button, muling pumailanlang ang tinig ng salarin.
A slow devilish smirked form from the culprits lips.
Nagbago bigla ang postura nito mula sa inosenteng mga tingin ay napalitan ito ng nang-uuyam na ngiti.
Ang mata nito ay biglang nawalan ng emosyon, sa isang iglap ay naging napakalamig ng tingin nito sa kanila na para bang matagal na itong may kinikimkim na poot sa puso.
Ang ngiti nito na kanina ay mistulang anghel ay naglaho. Parang pagsisihan mo habang buhay na nakita mo pa ang klase ng ngiti na gumuhit sa labi nito.
Lalong nanginig sila sa galit dahil sa inakto nito, hindi man lang ito nahiya ng kaunti o kahit naapektuhan man lang sa mga masamang titig na ipinupukol nila dito.
Taas noo pa sila nitong tinignan at nakakalokong ngumiti.
"Well, well I'm hurt, I thought I could make it more surprising to all of you but too bad...Naunahan n'yo ako."
Mas lalong nanggalaiti sa galit si Lucifer ng ngumisi ito.
"Trust me you fvcking surprise us," Lucifer said dryly.
Hindi nito pinansin si Lucifer, hindi ito natinag ng malakas na boses ni Lucifer, taas noong lumakad ito palapit sa couch na nasa harap ng kinatatayuan nila.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomansaNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...