23

26.1K 506 21
                                    

"Buti naisipan mo pang umuwi" bungad ni Aling Dori kay Poseidon, kababa pa lang nya ng sasakyan ay nakaabang na sa garahe ang mayordoma.

Para itong isang nanay na galit na galit sa anak na nagmagdamag sa computer  shop.

Eksatong alas tres ng madaling araw nakarating ng mansyon si Poseidon, halos wala pa syang tulog kaya uminit ang ulo nya ng bungaran agad sya ng panenermon ni Aling Dori.

Nakasimangot na napatingin sya sa nakapantulog na mayordoma.

"dalawang linggo kang nagpakasaya sa ibang bansa dalwang lingong kasama mo  yang lintang Lexi na yan! Hindi ka na nahiya may asawa ka! Hindi ka naawa kay Rose! Ano bang meron sa Lexi na yan ha? E laspag na yan! Pera mo lang ang habol nya!"

Puno ng galit ang boses ni aling Dori halos maglabas ng apoy ang mga mata nito.

Nabuntonghininga  na lang si Poseidon, hindi nya makuhang magsalita dahil alam nyang lalong hahaba ang litanya ng matanda kapag sumagot sya.

"Aling Dori mamaya mo na ako sermonan sobrang sakit ng ulo ko, I need to sleep"

Hinilot-hilot nya pa ang sintido para ipakitang wala sya sa mood na makinig sa sermon nito.

"Hindi kita pinalaking ganyan Poseidon, akala ko ba galit ka sa nanay mo? Bakit tinutularan mo ang gawain nya ha?"

Naningkit ang mga mata ni Poseidon, gusto nyang pagsabihan ang matanda na sumosobra na ito pero wala syang lakas kaya mas pinili nyang umiwas  na lang dito. Masakit ang ulo nya, ayaw nyang makipagtalo.

Hinila nya ang bitbit na maleta saka naglakad, nakakatatlong hakbang pa lang sya ng magsalita ulit si Aling Dori.

"Umalis na si Rose"

Napahinto si Poseidon, parang tumigil ang mundo sa kanyang narinig, nanatili syang nakatalikod kay Aling Dori.

"Isang linggo syang hindi nagpakita, sana masaya ka na,sana masaya ka na wala na si Rose"

Ang kaninang galit sa boses ni aling Dori ay napalitan ng lungkot, lungkot na bumalot pati sa nanahimik na puso ni Poseidon.

Na-unang pumasok sa mansyon si Aling Dori, tinabig pa nito ang balikat nya ng dumaan ito sa gilid nya. Hindi parin makakilos si Poseidon.

Nanatili syang mag-isang nakatayo sa garahe, Nagtatalo ang isip nya, natutuwa sya na wala nang sagabal sa buhay nya pero bakit ganun? may munting kirot sa kanyang puso, parang hindi nya matanggap na umalis si Rose.

INABOT na ng alas-otso ng umaga sa higaan si Poseidon pero ni iglip ay hindi nya nagawa, nagpagulong-gulong na rin sya sa ibabaw ng kama lahat ginawa na nya pero hindi pa rin sya makatulog, hindi mapakali ang isip nya kung nasaan ba ang asawa.

"Damn! I need some distraction!" Sigaw sa kawalan ni Poseidon, tumayo sya mula sa pagkakahiga, kinuha nya ang cellphone sa ibabaw ng bed table saka nagdial.

"I need you now" yun lang ang sinabi ni Poseidon sa kausap ng sagutin nito ang tawag. Hindi na hinintay ni Poseidon na magsalita ito i-nend na nya ang tawag.

Napabuntong hininga si Poseidon, nagpabalik-balik sya ng lakad sa harap ng kama, paulit-ulit syang bumuntuhininga.

Huminto sya saglit saka nagdial ng numero, tatlong ring muna bago may nagsalita sa kabilang linya.

"So how much are you willing to pay just to know where your wife is?"

Napakunot noo si Poseidon, hindi sya agad nakapagsalita, nagtataka sya kung paano nalaman ni Neptune ang pakay nya dito.

"Well.. you're the third one who called me just to find the missing Ms. Moon Rose Mendoza." pagpapaliwanag ni Neptune ng nanatiling wala kibo si Poseidon.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon