-Pasensya na matagal ako mag-update. Marami kasing nagplagriaz sa facebook ng kuwento ko. Inayos ko lang muna. Sorry hindi din ako nagrereply sa comment hindi ko kasi kabisado yung wattpad gaano.
But if you want talk to me you can message me via Facebook @Ino Cente ako po yung panda yung profile.
_____________________________'Poseidon gising na!'
'Wake up you bastard!'
'How can we wake up this mothe'fvcker?'
Naririnig ni Poseidon ang ingay nina Lucifer, Sebastian at Eros ngunit hindi s'ya tuminag, nanatili s'yang nakadapa sa ibabaw ng kama at nakasubsub ang mukha sa unan.
Maaga pa lang ay ginugulo na s'ya ng mga kaibigan dahil nga may binyag silang dadaluhan. Hindi maintindihan ni Poseidon ano bang meron sa binyag na ito at parang natataranta ang mga kaibigan kapag hindi sila nakarating sa tamang oras.
"Fvck you Poseidon kapag tayo nahuli, sasapakin kita!" muling bulyaw ni Luicfer na ngayon ay patuloy sa pagyugyog sa katawan ni Poseidon.
Hindi gumalaw si Poseidon wala s'yang pakialam sa paligid n'ya. Gusto n'yang mapag-isa.
Matapos ang masayang panaginip n'ya kagabi ay mistulang isang bangungot para sa kan'ya ang umaga. Isang araw na naman kasi ang kan'yang titiisin na wala sa piling n'ya si Rose.
"Poseidon kapag hindi ka tumayo diyan, hindi mo magugustuhan ang susunod na gagawin sa iyo ni Eros!" natatawang turan ni Seb.
Hindi nakinig si Poseidon kay Sebastian, ayaw n'yang pumunta sa binyag o umalis man lang sa kama.
'Babangon lang ako kapag si Rose na ang-'
Agad na napatalon mula sa pagkakahiga sa kama si Poseidon ng maramdaman n'ya ang malamig na tubig na bumuhos sa ulo, likod at balakang n'ya.
"Fvck you!" bulyaw ni Poseidon kay Eros na tatawa-tawa lang, hawak nito ang isang timba habang halos maglupasay na sa sahig kakatawa.
Madilim ang mukha na lalapitan sana ni Poseidon si Eros para suntukin nang harangin s'ya ni Lucifer.
"Maligo ka na, you stink! You slept without changing your clothes," utos ni Lucifer kay Poseidon tinulak pa n'ya ito papunta sa pinto ng banyo.
Naiiritang tiningnan ni Poseidon ang mga kaibigan bago pumasok sa loob.
Naghubad si Poseidon ng saplot saka tumapat sa shower. Hinayaan n'yang umagos ang tubig sa buong katawan n'ya.
Habang naglalagaslas ang tubig ay naalala ni Poseidon si Rose at ang mga panaginip n'ya sa babae.
'Where are you now my wife? I hope that you are doing fine, I really miss you so much. I don't want to start another day without you'
Habang naliligo ay si Rose ang tumatakbo sa isipan ni Poseidon. Hindi na ito bago sa lalaki, wala namang araw o oras na lumipas na hindi n'ya naiisip ang dating asawa.
Nang matapos si Poseidon sa banyo, ipinulupot n'ya ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan saka lumabas.
"I already prepare chicken soup and advil for you," anunsyo ni Seb habang may silver tray na ipinatong sa side table.
"Nakahanda na rin ang suit mo pati ang sapatos pagkatapos mo kumain magbihis ka kaagad. Bilisan mong kumilos ng hindi na tayo mahuli sa oras," turan ni Eros.
Napataas ang kilay ni Poseidon nagtataka s'ya sa kinikilos ng mga kaibigan, bumaling ang tingin n'ya sa kulay jet black suit na nakapatong sa ibabaw ng kama saka tumingin sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...