"Do you take Moon Rose Mendoza as your lawfully wedded wife?" The priest asked the groom awkwardly. He think that this is the scariest wedding that he ever witness in his whole life.
The groom is looking at his bride like he's ready to murder her while the bride...
Just keeping her head low, like she is ashamed of herself.
" Syempre I do, wala naman akong ibang choice 'di ba? " sarkastikong tugon ng groom sa pari habang ang tingin ay nakapako pa rin sa bride.
Lalong yumuko ang bride, halatang napahiya ito dahil ipinamumukha ng groom na napipilitan lang itong pakasalan s'ya.
"You may now ki-"
"Tingin mo ba talaga hahalikan ko sya?" sabat ng groom sa sasabihin pa ng pari. Nang-iinsulto ang ngiti na tiningnan nito ang mga bisita.
"Kasal ito para sa pera hindi kasal ng dalawang taong nagmamahalan, kaya walang kwenta ang halik, tama ba?"
Nang walang umimik ay iniwan na ng groom ang altar. Umalis ito nang walang paki-alam sa babaeng pinakasalan
Naiwang nakayuko pa rin si Rose. Awang awa s'ya sa sarili . Hindi ito ang pingarap nyang kasal, ni minsan hindi sumagi sa isip nya na mapapahiya siya nang ganito.
Dahan-dahan s'yang nag-angat ng tingin, pinipigil ang mga luha na tiningnan n'ya ang papalayong asawa.
Poseidon Black Aragon, the name of his new husband. Cruel, bastard and son of b*tch that are best way to describe him.
Nang mawala sa paningin n'ya ang lalaki ay huminga s'ya nang malalim.
Wasak na wasak ang puso n'ya, gusto n'yang umiyak at magsusumigaw pero pinigilan n'ya ang sarili.
Binaliwala n'ya ang mga nakakaawang tingin ng mga taong nakasaksi ng masklap n'yang kasal. Nagbingi-bingihan s'ya sa mga bulung-bulangang lalong nagpababa ng dignidad n'ya.
'Hindi ka mahina Rose. Kakayanin mo yan,' pampalakas loob nya sa sarili bago taas noong naglakad paalis ng simbahan.
Habang ang mga tao sa reception ay ipinagdidiwang ang kasal n'ya, s'ya naman ay kanina pa pinipigil ang luhang nais makakawala sa kanyang mga mata.
Sobrang sakit nang nakikita n'ya. Sobrang nakakawala ng respeto sa sarili pero wala s'yang magawa kundi ang manood.
Panoorin ang walang hiyang asawa n'ya na may kahalikang iba sa mismong reception ng kasal nila.
Walang hiya! Hindi man lang s'ya nirespeto bilang tao.
Tiniis n'ya ang sakit at lahat ng kahihiyan dahil wala s'yang magawa. Ito ang pinili n'yang landas kaya kailangan n'yang panindigan.
"Mrs. Aragon" agaw ng isang tinig sa pansin ni Rose. Nilingon n'ya at agad na nanglaki ang mga mata n'ya.
"Rafael," masayang tawag n'ya sa lalaki bago niyakap ito. Ang kaninang madilim n'yang mundo ay biglang nagliwanag ng makita ang napakagwapong mukha nito
"Beb kaloka. Sarey nalate ako sa iyong pagiisang dibdib grabe naman kasi trapik ditey sa pinas," maarteng pagpapaliwanag nito. Pinunasan pa nito ang kunyaring pawis sa noo.
Natawa na lang si Rose sa kabaklaan ng kaibigan. Kahit napakaguwapo ni Rafael sayng lang dahil pusong babae ito.
Pero kahit bakla ang kaibigan maraming babae pa rin ang nababaliw dito dahil guwapo na mayaman pa.
Dahil sa yaman nito ay kasali ito sa tanyag na listahan ng mayayaman na kung tawagin ay 'Billionaire' s of Hell.".
"Beb wala yun, ang mahalaga dumating ka."
Natutuwa s'ya dahil ngayon hindi na s'ya nag-iisa!
"Beb gora na tayo kesa kumakain ng kung ano-anong pampataba dito sa sulok. Hayaan mo ang jusawa mong makipaglandian sa palakang 'yan, Wag mo hayaang nageenjoy sya tapos ikaw kinakaawaan ng mga tao dito"
Hindi na s'ya hinayaan ni Rafael na umangal, hinila s'ya nito palabas ng venue.
Kapwa wala silang pake na umalis, lalo na si Rose wala s'yang pake kahit nakita n'yang mapanghusgang tinaasan s'ya ng kilay ni Poseidon.
Tahimik ang biyahe, hindi alam ni Rose kung saan s'ya dadalhin ni Rafael pero wala s'yang paki-alam ang mahalaga malayo s'ya kay Poseidon.
Ipinikit n'ya ang mga mata saka sumandal ngunit nagsisi s'ya dahil na-alala na naman n'ya ang pakikipaghalikan ni Poseidon sa ibang babae kanina.
Gusto n'yang umiyak sa galit pero pinigilan n'ya ang sarili. Lahat ng pagtitiis gagawin n'ya kahit parang hinihiwa na ng pira-piraso ang puso n'ya.
Naipilig ni Rose ang ulo para pigilan ang magisip ng kung ano ano, tumingin s'ya sa labas ng huminto ang sasakyan.
Baclaran Station?
"Beb anong gagawin natin dito?" Takang tanong n'ya kay bakla.
"Pasasagasaan ka sa tren,"simpleng sagot naman nito
"What!?"
"Choss! Vaklang to makatili naman! Bumaba ka na nga at magjojoy ride tayo."
Naguguluhan man sinundan na lang n'ya ito. Wala itong paki kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao dire-diretso lang ito
Ikaw ba naman maglakad ka ng nakawedding dress tapos may kasama kang naka suit sa palengke tingnan ko lang kung hindi ka pagtsismisan sa daan.
Nang makarating sila sa platform may tren nang nakahinto. Tuloy tuloy na naman ang lakad si Rafael.
"Teka beb , mukhang bawal pa sumakay. Tingnan mo 'yung ibang pasahero oh hindi sila pinapapasok ng guard"
"Don't worry, Inarkila ko' to kaya tara na sa loob. Sampung beses ito iikot mula baclaran hanggang Roosevelt na tayong dalawa lang ang pasahero."
Yung tren ng lrt inarkila nya? As in buong tren? Abat ikaw na mayaman Rafael. Ikaw na!
"Sooo... beb ano nang gagawin natin ngayon?" tanong ni Rose.
Umupo naman si Rafael sa tabi nya nang magsimulang umandar ang tren.
"You have two choices, you will tell me why the hell you married Poseidon and why did you let him treat you like a trash or we will stay quiet and enjoy this moment peacefully, so you pick."
"I choose the second option," turan ni Rose.
Tumango na lang si Rafael at umupo sa tabi n'ya.
Umandar na ang tren at walang nagsalita sa kanila hanggang sa hindi na kinaya ni Rose.
Hinayaan na n'yang kumawala ang mga luha, hinayaan n'yang ilabas ang sakit.
Napansin ito ni Rafael, tahimik na niyakap s'ya nito.
"Ang sakit beb, ang sakit sakit. Para akong basura kung itrato n'ya kanina. Ipinahiya ako sa maraming tao nang paulit-ulit."
Lalong humigpit ang yakap ni Rafael, nasasaktan ito sa sinapit ng kaibigan.
"Shhhh... Everything will be alright again okay. You'll be fine again," Rafael said.
Ngunit kung alam lang nila, simula pa lang ito. Patikim pa lang ni Poseidon ang mga ginawa kanina.
Hindi hihinto ang lalaki hanggat hindi nadudurog ang buong pagkatao ni Rose.
_________________________________
🐼 𝙏𝙝𝙖𝙣𝙠 𝙮𝙤𝙪 𝙨𝙤 𝙢𝙪𝙘𝙝 𝙛𝙤𝙧 𝙧𝙚𝙖𝙙𝙞𝙣𝙜.
𝙁𝙤𝙧 𝙢𝙤𝙧𝙚 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙨, 𝙫𝙞𝙨𝙞𝙩 𝙢𝙮 𝙩𝙞𝙢𝙚𝙡𝙞𝙣𝙚 𝗼𝗿
𝙒𝙖𝙩𝙩𝙥𝙖𝙙 @𝙞𝙣𝙤_𝙘𝙚𝙣𝙩𝙚
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...