20

29.3K 474 15
                                    

Namayani ang katahimikan sa pagitan ni Rose at Rafael, tanging maririnig lang ay ang tunog ng aircon, ganun pa man kahit binalot sila ng katahimikan, hindi sila awkward sa isa't isa, kumbaga payama silang dalawa na nakaupo sa sahig.

"Sooooo beb anyare sa pagbisita sayo ni father earth kahapon? Asaan na pala sya ngayern?"

Napabuntong hininga si Rose bago ikinuwento lahat ng naganap kahapon sa mansyon. Sa una ay parang kinikilig pa ang bakla sa kinukwento nya, ng magtagal ay padilim ng padilim ang naging aura nito.

"G*go pala yang asawa mo eh! Papakiligin ka sa umpisa tapos ipagpapalit ka sa mukhang palaka? Asaan ba yan babalatan ko yan ng buhay!"

Napatayo pa ito mula sa pagkakasalampakpak sa sahig, kunwa ay naghahanap ng pwedeng ipangbalat kay Poseidon.

"Maupo ka nga para kang tanga!" Hinila uliti ni Rose paupo ang bakla.

"Ikaw naman kasi bakit hinahayaan mong ganyanin ka?

Yong totoo adik ka ba?

Bakit hindi mo na lang kasi sabihin sa kanya kung bakit ka pumayag sa lesting kasal na yan para hindi ka nya sinasaktan kahit wala kang kasalanan!"

Halatang totooo na ang galit ng bakla dahil inihahampas pa nito sa sahig ang kamay, bawat salitang binibitiwan nito ay may diin.

"Alam naman nating hindi ko pwedeng gawin yan. Ayaw kong may mapahamak kapag nagpadalos-dalos ako ng kilos kaya hanggat kaya ko, titiisin ko"

Malungkot na paliwanag ni Rose sa kaibigan, bumagsak ang balikat ni Rafael pati sya ay hindi napigilang malungkot nang maintindihan nya ang sitwasyon ng kaibigan.

Wala naman kasi talagang choice si Rose eh, wala syang magagawa kung hindi magtiis.

"Enebe yen! Kesa nagmukmok tayo halika gagala tayo daliii" Hinila ni Rafael patayo si Rose, ganito si bakla kapag alam nyang malungkot na, gagawa yan ng paraan para sumaya.

"Ano ba dahan dahan naman, may hangover pa yung tao makakaladkad ka kala mo aso lang ako eh" malamyang reklamo ni Rose para syang lantang gulay na hila-hila ni Rafael palabas ng condominium.

Walang paki-alam si Rafael sa reklamo nya, dirediretso lang nitong hinihila sya sa kamay hanggang sa makarating sila sa park na malapit sa condo ni Rafael.

Parang bata si Rafael na ngayon lang nakapunta ng playground, nagmamadali itong umupo sa bakanteng swing.

"Tulak mo ako daliii, para swing swing si bakla"

Natawa si Rose ng pumalakpak pa si Rafael ng utusan sya nitong itulak ang duyan.

Parang kinikiliti si Rafael dahil tawa ito ng tawa ng may kasamang tili tuwing nasa ere ang duyan.

Imbes na mahiya si Rose, napahagalpak na lang sya ng tawa dahil isang maskuladong bakla ang naglalaro sa duyan.

Halos gumulong na si Rose sa katatawa ng malaglag si Rafael sa duyan. Una ang mukhang pumlakda ito sa lupa.

"Pffft hahahahahaaha"

"Stop laughing at me, Im an attorney you should respect me" nagmamaktol na sigaw nito, habang pinupunasan ang mukha na sumadsad sa lupa.

"Pffft! Hahahaha edi! Edi! Idemanda mo yung duyan! Sya naglaglag sayo hahahaha!"

"Yeah! I will sue this fvcking swing! Hmp!"

Napaupo na si Rose sa sahig kakatawa, napahawak din ito sa tiyan nya.

Pati ang mga tao sa paligid na nakasaksi sa pagplakda ni Rafael ay nagpipigil din ng tawa.

Si Rafael naman ay nakasimangot habang ang mukha ay pulang pula na sa kahihiyan.

"May bagong paraan na pala ng pagbaba ng duyan. Nice!"

Automatik na napatigil ng tawa si Rose ng marinig nya ang isang malamyos pero medyo cold na boses ng isang babae.

Napalingon sya kung saan ito nagmula.

Gorgeous, one word to describe this woman, she looks so hot in her fitted jeans ang black vneck shirt, nakalugay ang mahabang buhok nito na kulot sa may bandang dulo. nakasuot din ito ng white na cap.

Tumayo sa pagkakaupo sa sahig si Rose, napatingin sya kay Rafael na ngayon ay namumutla na.

"Oy beb bakit parang tinakasan ka ng kaluluwa dyan" untag nya sa baklang tulala.

"Hi sweet heart, kung saan pa kita hinanap andito ka lang pala"

Napanganga si Rose ng lumapit ang babae kay Rafael, inilingkis nito ang dalawa braso sa batok nito, tumingkayad at walang sere-seremonyas na siniil ng halik sa labi si Rafael!

"What the fvck!"

Gulat na sabi ng isang baritonong tinig mula sa kaliwa ni Rose.

"Yeah what the fvck!" Wala sa sariling sagot ni Rose sa katabi, hindi nya ito nililingon dahil nakatitig pa din sya sa baklang ngayon ay pulang-pula na ang mukha habang may babaing nakalingkis dito

Nandidiring tinulak ni Rafael ang babae, tumakbo pa si Rafael   sa likod ni Rose para itago ang sarili,

"Wag kang lalapit! Bruha ka! Mang-nanakaw ka ng halik!" Tili ni Rafael habang dinuduro pa ang babae.

"Pfffft! Hahahaha"

Napalingon naman silang tatlo sa lalaking tumawa.

Nanlaki ang mata ni Rose ng makilala nya kung sino ito.

Napakagwapong tingnan ni Sebastian sa suot nitong white shirt at maong na short. Lahat ng muscle nito ay bumakat dahil fitted ang suot nito.

Domoble ang panlalaki ng mata ni Rose ng pasadahan nya ng tingin ito mula ulo pababa ng pababa ng pababa...pababa sa ano ng lalaki.

Namula si Rose ng mapansin nyang pati 'ehem'  nito ay bumakat din.

"Beb! Tama na kakatitig, pag yan nagalit lalong babakat yan" bulong ni Rafael sa tenga ni Rose.

Nagiwas ng tingin si Rose nang ngitian sya ng nakakaloko ni Seb.

"Uhm.. anong ginagawa nyo dito"

Nahihiyang tanong ni Rose ng lumapit sa kanila si Sebastian.

"Well, sinamaham ko lang si Luciana, nababaliw na kasi kakahanap kay Rafael eh"

"Luciana? As in Luciana na kapatid ni Lucifer?" Gulat na tanong ni Rose.

Ngumiti naman ng pagkatamis-tamis ang nasabing Luciana, inilahad pa nito ang kamay bago nagpakilala.

"Ako nga ang kakambal ni Lucifer Deive Del Fierro, Luciana Denise Del Fierro, ang babaeng magpapabalik kay baklang Rafael sa tamang landas"

Kinindata  pa ni Luciana si Rafael

"Big yuuuuuck!" Parang kinikilabutan na turan ni Rafel.

"Oooops okay! Okay! Bago pa kayo magsabunutan, tara gala tayo" masayang yaya ni Sebastian.

"Uhm saan naman punta natin, tanghali na" naiilang na tanong ni Rose, hindi kasi sya mapakali sa tuwing titigan sya ni Sebastian, takte! Bakit kasi ang gwapo ng isang to.

"Bahala kayo dyan, basta kami ni pillow sa motel kami punta" masayang sabi ni Luciana, kumapit pa ito kay Rafael sabay halik sa pisngi.

"Tigilan mo nga akong bruha ka! Layo! Layo! Wag mo idikit sakin yang boobs mo kadiriiii!"

Napangiti si Rose ng makita nyang namula si Rafael, hinihila nito ang braso mula sa pagkakakapit ni Luciana habang nagsisigaw ng kang anu-ano.

"Ako na bahala kung saan tayo pupunta" nakangiting sabi ni Seb. Lahat naman ay napatingin sa gawi nya.

"Anong balak mo?" Kinakabahang tanong ni Rafael kay Seb.

Kilala ni Rafael si Seb, alam nyang may tinatagong kalokohan din itong taglay.

"Well see" Sebastian said mysteriously.

~~~~~~~~

COMMENT AND VOTE PLS 💕

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon