Makirot na makirot ang sintido ni Rose ng magising sya kinaumagahan sa sahig ng bar, bago sya tumayo isinalansan nya muna lahat ng basyo ng alak na ininum nya.
Pagewang-gewang syang naglakad papasok sa kwarto nya. Umupo siya sa gilid ng kama, marahaag hinilot ang sintido para maibsan ng kaunti ang kirot nito.
Limang minuto pa ang pinalipas ni Rose bago naligo, nang matapos nyang asikasuhin ang sarili ay dumiretso na sya sa guest room ng papa nya.
"Pa lets go, we're going to be late"
Tinawag na nya ito para makabyahe na sila ng maaga, naghahabol sila ng oras ng flight dahil hindi nagprivate plane ang papa nya, gusto kasi nitong may nakakasalamuhang ibang tao.
Walang kibong nagmamaneho si Rose, wala sya sa mood dahil sobrang tindi ng hangover nya, pakiramdam nya ay sasabog ang ulo nya.
Mukhang naiintindihan ni Don Mendoza ang kalagayan ni Rose dahil wala itong tinanong na kahit ano, hindi ito nagsalita hanggang sa makarating sila ng airport.
"Anak, kung ano man ang pinagdadaan mo, magpakatatag ka, hindi sagot ang alak sa problema. Anak ko magkakahiwalay na naman tayo pero lagi ka namang nasa puso ko"
Nangingilid ang luha ni Don Mendoza habang nagpapaalam sa kanya.Hinahaplos pa ng kamay nito ang pisngi ng kanyang anak.
"Parang kailan lang nang ipanganak ka, ngayon isa ka nang ganap na may asawa, tularan mo ang mama mo na isang ulirang ina at may bahay, lagi mong iintindihin ang asawa mo, wag mo syang pababayaan."
Tuluyang pumatak ang luha ni Don Mendoza ng mabangit ang namayapa nyang asawa. Kahit si Rose ay hindi din napigilang mapaiyak.
"Anak kung may pagkukulang sayo si Poseidon, intindihin mo na lang, tandaan mo ang mga pagsubok ang nagpapatatag sa isang relasyon."
Dahil sa mga payo ni Don Mendoza, bumalik lahat ng sakit na dulot ni Poseidon na saglit nang nakalimutan ni Rose.
Kung ang pagsubok ang nagpapatatag sa relasyon, bakit sa bawat pagsubok na ito ay unti-unting nawawasak ang aking pagkatao?
Mahigpit na napayak si Rose kay Don Mendoza, sa yakap na ito sya kumukuha ng lakas na labanan lahat ng kalungkutang bumabalot sa kanyang puso.
"Pa, I love you" ipinadama nya sa pamamagitan ng apat na salita na to na kaya nyang lampasan lahat ng pagsubok para sa kanyang ama kahit maging kapalit pa nito ay ang kanyang sariling kalayaan.
"Tama na nga ang dramang ito, pumasok ka na papa, sige ka sayang binayad natin kapag naiwan ka"
Pinahid ni Rose ang luha sa kanyang pisngi, ngumiti sya upang pagaanin ang aura ng paligid.
Mahinang natawa naman si Don Mendoza, gamit ang likod ng palad nito ay pinunasan nito ang luhang nagkalat sa pisngi nito.
Isang beses pa silang nagyakapan muli bago pumasok sa loob ng eroplano si Don Mendoza.
Gustuhin mang sumama ni Rose sa ibang bansa, hindi pwede dahil ayaw ng kanyang ama na makitang naawa sya sa kalagayan nito.
Nang masiguro ni Rose na nakalipad na ang eroplano ay sumakay na sya ng kotse para pumunta sa condo ni Rafael.
Wala naman kasi syang pagkakaabalahan sa mansyon kaya ang baklang si Rafael na lang ang bubwisitin nya.
Ilang beses nagdoorbell si Rose pero walang nagbukas ng pinto, nagtataka sya dahil alam nyang sa mga oras na yon ay nasa loob lang si Rafael pero parang wala itong naririnig na doorbell.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...