Isang buwan na ang lumipas ng huling pagkikita ni Poseidon at Rose, sa mga araw na nagdaan ay marami nang nangyari.
Hindi na pinigilan ni Rose na magkaroon ng heart donor ang ina ni Poseidon kaya naoperahan ito agad. Naging maayos ang resulta ng operasyon kaya naman isang linggo lang ay bumuti na ang lagay ng ina ni Poseidon.
Naging mas successfull ang Aragon Empire dahil sa pamumuno ni Rose, sa ngayon ang kumpanya ni Rose ang pinakamayan at pinakatanyag sa buong Asia.
Napakaganda ng takbo ng lahat sa paligid ni Poseidon...
But the irony is everything is sailing smoothly but he himself is drowning in sadness.
Nawala lahat ng meron s'ya kayaman, katanyagan at respeto sa kanya ng mga dating kakilala sa sirkulasyon ng negosyo.
Ngunit baliwala lahat kay Poseidon kahit pa mababa na ang tingin sa kanya ngayon ng mga taong dati ay s'ya ang kinatatakutan.
He doesn't care about everything and anything. In fact he doesn't care even if he die right now.
When he signed the devorce paper he already made up his mind.
He will destroy his self until Rose decided to take her back again as her husband.
"Tita si Poseidon po?" agad na tanong ni Eros sa ginang. Hinalikan n'ya ito sa pisngi saka ipinakita ang pagkaing dala.
Si Eros ang nakatoka ngayon na dumalaw kay Poseidon. Napag-usapan kasi nilang magkakaibigan na bawat araw ay may isang papasyal kay Poseidon upang malaman nila ang kalagayan nito.
Simula kasi ng naghiwalay si Rose at Poseidon, nawalan na ng direksyon ang buhay ni Poseidon. Tanging mga kaibigan at magulang na lang ng lalaki ang napupumilit sa kaniya na magpatuloy pa.
Huminga ng malalim ang ina ni Poseidon saka itinuro ang nakasaradong pinto, "Andun sa kuwarto n'ya. The usual he won't go out or even eat. He just incage hisself inside his room and drown hisself in liquor." malungkot na saad ng ina ni Poseidon.
"Ganoon po ba sige ako na bahala kumausap at magpakain sa kan'ya,"
Tumango ang babae, dumiretso na si Eros sa silid ni Poseidon. Hindi na s'ya kumatok hindi iyon uso sa dictionary n'ya.
Binalot ng lungkot at awa ang puso ni Eros ng makitang nakaupo sa sahig si Poseidon. Nakasandal ito sa kama habang nakayuko at natutulog. Sa kaliwang kamay nito ay ang basyo ng bote ng alak.
Tiningnan ni Eros ang kabuuan ng paligid. Mistulang dinaanan ng bagyo ang kuwarto ni Poseidon, nagkalat sa sahig ang mga bote ng alak, sira-sira ang ilang gamit na tila ba ibinalibag. May mga damit na nasa lapag, mga bubog pati ang dingding ay may bitak, halatang pinagsusuntok ito ng paulit-ulit.
Naiiling na tahimik na lumapit si Eros sa lalaki, dahan-dahan n'ya itong itinayo at inalalayan na makatulog mg maayos sa ibabaw ng kama nito.
Nang masigurong komportable na ang kaibigan ay umupo sa sahig si Eros, malungkot na tumingin s'ya sa kawalan.
Pariwara. Ito ang nangyari kay Poseidon simula ng maghiwalay sila ni Rose.
Araw-araw itong nagkukulong sa kuwarto, walang kinakain, walang kinakausap. Patuloy na nilulunod ang sarili sa alak.
Sinubukan nilang magkakaibigan na payuhan ito at pasayahin. Lahat ng kalokohon ginawa nila kahit pa kahihiyan nila ang nakataya ayos lang dahil gusto nila kahit paano ay mapangiti si Poseidon.
Si Lucifer nagsuot ng bra at panty na kulay pink sa harap ni Poseidon saka sumayaw ng careless whisper. Namumulang gumiling-giling na parang isang professional strip dancer sa gay bar. Pulang-pula s'ya sa kahihiyan habang sina Eros, Rafael at Seb ay halos mamatay na sa kakatawa. Kulang na lang ay magpagulong-gulong ang mga ito sa sahig habang humahagalpak ng tawa. Everyone who witnessed Lucifers embarrassing dance almost lost their mind in glee but Poseidon doesn't laugh or even smile a bit.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...