Tatlong araw na ang nakalipas nanatili pa rin sa Alta Sierra sina Rafael, Rose, Luciana at Sebastian.
Sa loob ng tatlong araw ay wala silang ibang ginawa kungdi gumala,magsaya at kumain. Sa bawat araw na lumipas naging masaya si Rose.
Ngunit kahit anong libang nya sa sarili, nakakaramdam pa din sya ng lungkot sa paminsan minsang pumapasok sa isip nya si Poseidon.
Si Sebastian ang dahilan kung bakit mabilis nyang nalilimutan ang asawa dahil sa tuwing malulungkot sya, gagawa agad ito ng paraan para idistract sya.
Andung pipitikin sya sa noo, hihilahin ng mahina ang buhok o kaya babanat ng mga sweet na pick up lines.
Sana nga si Sebastian na lang, sana sya na lang ang pinakasalan nya. Yan lagi ang nasa isip ni Rose sa tuwing makikita nya ang effort nito na mapasaya sya.
"Oi beb! Natulala ka na kay Seb, naku! Pag yan natunaw.. ikaw din"
Napapahiyang nagiwas ng tingin si Rose dahil napatingin si Seb sa gawi nila ng malakas na magsalita si Rafael.
Nasa sala silang lahat ng malaking mansyon, nagkalat lahat ng unan sa sahig, may mga pagkain sa ibabaw ng coffee table. Movie Marathon ang trip nila ngayong hapon.
"Naku girl! No! No! May asawa ka na kaya wag ka makatitig kay Seb." Saway ni Luciana pero ang mga mata nito ay nakatitig sa hawak na cellphone, oo galit ito sa ugali ni Poseidon pero hindi sya payag na humanap ng iba si Rose, she's already married!
"Basta Sebastian and Rose shipper ako" maarteng sabi ni Rafael bago dumapa sa mga nakakalat na unan.
Napairap si Luciana ng makita ang ngiting tagumpay sa labi ng nakaupong si Sebastian.
"Damn! Poseidon is really a fvcking bastard!" Galit na sigaw ni Luciana, mahigpit ang pagkakahawak nito sa cellphone parang may nakita ito na sadyang nagpakulo ng dugi nya.
"Ilipat nyo sa balita yung palabas, bilis!"
Naguguluhan man ang tatlong kasama ni Luciana, nagmamadaling sinunod pa rin nila ito.
Saktong paglipat nila sa balita ay isang showbiz anchor ang naguulat.
Hottest news Poseidon Argon was seen with a beautiful Britain model Lexi, having a steamy make out on a New Zealand, now the biggest question is, is he already annulled to her wife Moon Rose Mendoza? Or is he cheating?
Kasabay ng pagsasalita ng reporter, isa isang lumabas ang mga larawan ni Poseidon kasama si Lexi.
May masayang magkayakap,naghahalikan sa swimming pool, nagsusubuan ng pagkain sa isang sikat na restaurant at may naglalakad ng nakaholding hands sa isang park, kapwa makikita ang saya sa kislap ng mga mata nito.
Bawat larawan ay unti unting dumudurog sa puso ni Rose, halos hindi sya makahing sa sobrang sakit.
Nilapitan sya ni Sebastian, pinunasan nito ang mga luhang hindi nya namalayang tumulo na pala sa kanyang pisngi.
"Ang sakit sobra!" Hindi napigilang yakapin ni Rose si Seb, patuloy syang umiiyak sa dibdib ng lalaki.
"Shhhh everythings gonna be alright" pangaalo ni Seb, niyakap nya ng mahigpit si Rose, gusto nyang iparamdam sa babae na lagi syang nasa tabi nito ano man ang mangyari.
Malungkot na napatingin sa kawalan si Luciana, pinatay ni Rafael ang t.v. saka malungkot na napayuko, hindi nya kayang makitang lumuluha ang kaibigan.
Tanging maririnig lang sa salas ay ang paghikbi ni Rose. Banayad na hinaplos ni Sebastian ang buhok ni Rose, hindi nya alam kung ano ang dapat sabahin para mapatahan ito.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Rose na nakapatong sa isang unan. Kumawala si Rose sa mainit na yakap ni Seb, pinunasan nya ang luha saka kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
Namutla si Rose ng marinig nya ang sinabi ng nasa kabilang linya. Para syang nakakita ng multo, namumutla at takot na takot ang itsura nya.
Napakunot noo naman sina Seb, Rafael at Luciana ng makitang mas lalong nagkarerahab sa pagpatak ang luha ni Rose.
Nagmamadaling pinatay nya ang tawag at nagdial ng ibang numero.
"I-I need a chopper now! I'll send my location , I-i need it in three minutes" nanginginig ang tinig na utos ni Rose sa kausap.
Halata sa boses ni Rose ang takot at pagmamadali, mababakas naman sa mga mata nina Rafael,Lucian at Sebastian ang pagaalala at pagtataka.
"What happened?" Tanong ni Rafael
"Bakit namumutla ka?" Luciana asked
"Chopper? Teka bakit ka aalis? Saan ka pupunta?"
Hindi pinansin ni Rose lahat ng tanong sa kanya, nagmamadaling tumakbo sya palabas ng hasyenda.
Naguguluhanh sumunod naman ang tatlo sa kanya. Maya maya pa ay may lumalanding na na chopper sa gitna ng malawak na lupain.
Mabuti na nga lang na walang mga puno kaya hindi mahirap maglanding.
Napatanga si Luciana, Rafael at Sebastian ng walang lingon likod na dirediretsong tumakbo si Rose sa chopper. Kahit paulit ulit nilang sinisigaw ang pagtawag sa pangalan ni Rose ay tuloy tuloy lang ito.
Nang makapasok sya ay agad na inutusan nya ang piloto na umalis agad sila.
"What the hell? Saan ba punta noon? Bakit takot na takot sya?" Takang tanong ni Sebastian habang nakatanaw sa papalayong chopper.
"Damn! Ano bang nangyayari beb? Ngayon ko lang nakita ang ganung takot sayonh mga mata" kinakabahang tanong ni Rafael sa kawalan.
"Akala ko ba naghihirap sila? San galing yung chopper? Mukhang private property yun at sigurado akong mamahalin" takang tanong ni Luciana kay Rafael. Hindi sya pinansin ng bakla tumakbo lang ito papunta sa garahe ng masyon.
"Teka saan ka pupunta? Bakit ba lahat kayo nagmamadali?" Sigaw ni Luciana
"Lets go babalik na tayo ng Manila" hinila ni Sebastian sa braso si Luciana, halos makalakad si Luciana pasakay ng kotse, sinundan nila ang sasakyan ni Rafael.
Kahit wala silang ligo at hindi pa nagsisipilyo ay bumyahe na sila pabalik ng Manila.
"ALING Dori! Aling Dori nasaan po si Rose?" Malakas na sigaw ni Rafael ng makarating sila sa mansyon ng Aragon.
Dumiretso si Rafael sa kusina para tanungin ang mayordoma.
"Huh? Diba't kasama nyo sya? Hindi pa sya bumabalik," sagot ng mayordoma, nalilito itong napalingon sa kanilang tatlo, iniwan nito ang nilulutong ulam at lumapit sa kanila.
"Hindi po, nauna sya umalis kaninang umaga, takot na takot po sya at nagmamadali akala ko dito sya didiretso kaya dito ko sya hinanap"
"Ano ka ba namana Rafael, wag ka magalala babalik din yun si Rose baka nalungkot lang yun dahil sa ibinalita kanina, kaya ayun umalis at nagsoul searching "
"Pero kasi... pero sige na nga baka nashock lang sya sa balita, sige po babalik na lang kami pag andito na sya" gustong umapila ni Rafael dahil iba ang kutob nya sa ikinilos ng kaibigan pero hindi na lang sya nagsalita dahil kahit sya mismo wala syang clue sa nangyayari.
"Tama si Aling Dori Rafael, Rose is a very strong woman, Im sure ano man ang nangyari kakayanin nya yun" hinawakan pa sya sa balikat ni Luciana, gusto nitong pakalmahin sya.
Walang kibo si Sebastian, nagaalala sya pero may tiwala sya sa kakayahan ni Rose.
Laglag ang balikat na umalis silang tatlo sa mansyon. Iniisip nila na baka nga nasaktan lang si Rose, Inakala nila na kinabukasan ay uuwi na si Rose.
Ngunit lumipas na ang isang linggo walang Rose na nagpakita sa kanila, walang txt o tawag silang natanggap mula sa babae as in walang nakakaalam kung nasaan si Rose.
Kahit umupa na sila ng investigator na maghahanap dito wala paring nakatunton sa lokasyon nito
Parang bula na naglaho si Rose, walang nakakaalam kung nasaan ito o kung babalik pa ba ito.
~~~~~
Enjoy Reading 💕
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...