32

27.7K 409 7
                                    

"o ano? Sinong owner nitong club? Mas gwapo ba kesa kay Poseidon? Lalaki ba o babae? Ano mukha bang tao? Ano dali ano na? " agad na tanong ni Eros kay Duke at Lucifer ng bumalik ang dalawa sa receiving area.

Sumimangot lang ang dalawa saka umupo sa couch

"si Poseidon kausapin mo" inis na sagot ni Lucifer, si Duke ano pa nga ba? Walang sinabi.

"ang susungit nyo! Tatanong lang eh! Tsaka paano namin kakausapin yang si Poseidon eh pagbalik dito lumala pagkabaliw nya, kulang na alang mapunit ang mukha nyan sa sobrang ngiti, tapos walang ibang bukang bibig kundi gusto nyang makuha yung invitation na bigay ni Pinyx kay Seb" nagtatampong sabi ni Eros, his friends rolled their eyes when he also pout his lips like a kid.

Sabay napatingin si Duke at Lucifer sa nagtatalong si Seb at Poseidon.

"Ayaw ko nga ibigay, para samin yun ni Rose"

"hindi ko hinihingi binibili ko, ibenta mo na kasi"

"ayaw ko! Duon ka kay Pinyx bumili"

Poseidon smiled brigtly when a great idea pop in his mind, napatigil si Sebastian ng makita nyang agad na kinuha ni Poseidin ang cellphon saka may tinawagan.

"I will buy the fvcking invitation card that you gave to Sebastian, one hundred million"

Nanglaki ang mata ni Seb sa sinabi ni Poseidon kay Pinyx.

"hoy teka!" awat ni Sebastian sa dalawa, ngunit mas nanlaki ang mata nya ng ngumiti ng nakakaloko si Poseidon. Damn!

"sayo na yang invitation mo, wala naman na yang silbi" Poseidon smirked at him.

Hindi pa sya nakasagot ng talikuran na sya ni Poseidon. Diretsong umalis na ito ng Midnight club.

"luh! Iwan ere ang hayop na yun ah" sigaw ni Eros.

Iiling-iling na sumunod na lang palabas si Duke at Lucifer.

"hoy! Wag nyo ako iwan dito," sigaw ni Eros, patakbong sumunod sya sa mga kaibigan.

Si Rafael ay naglakad patungo kung saan nanggaling si Duke, Lucifer at Poseidon kanina.

Inis na naglakad na din paalis si Seb. Nang makarating sya sa parking lot wala na ang mga sasakyan ng mga kaibigan nya.

Naiiritang pumasok sya sa sasakyan saka tinawagan si Pinyx.

"the fvck! Mukha ka talagang pera!" agad na bulyaw nya ng sagutin nito ang tawag.

"relax my friend, just go with the flow this will be fun"

Napakunot ang noo ni Seb, naguguluhan sya sa sagot nito sa kanya, ngunit agad ding  nawala ang kunot sa kanyang noo sa mga sunod na sinabi ni Pinyx,

Matapos ang kanilang usapan ay napangiti ng nakakaloko si Sebastian.

Yeah this will be very very exciting

He smiled mischievously then turned on his engine and drive away.

"BEB BAKIT ganyan itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa" nagalalang tanong ni Rose kay Rafael ng nakasimangot itong pumasok sa office nya saka diretsong sumalapak sa couch.

Bumuntong hininga si Rafael, pumikit ito bago nagsalita.

"Luziana. She irritates me," he explained.

"beb, bakit ka naiirita? Napakaswerte mo na kay Luzi, napakabait, napakasweet, maganda, sexy"

Parang mas lalong nainis si Rafael dahil sa pagpuri ni Rose kay Luziana. Hindi nya maintindihan pero ayaw nyang may ibang taong makakapansin kay Luziana, kahit babae pa ang pumuri dito, naiinis sya.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon