"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Kanina pa naiirita si Rose, hindi na mabilang kung ilang beses syang nagtanong kung saan sya dadalhin ni Poseidon pero kahit anong pangungulit nya ay walang matinong isinagot ang lalaki.
"Just wait and see" simpleng sagot nito habang nakatanaw sa bintana, ni hindi sya nito tiningnan.
"Anong wait and see? Kelan ka ba sasagot ng maayos ha, kanina pa tayo bumabyahe, mula sa kotse hangang dito tahimik ka, halos dalawang oras na tayong nakaupo sa loob ng helicopter nato, nanakit ng ang pwetan ko, Ano hindi mo pa din ba sasabihin kung saan mo ko dadalhin?" sunod-sunod na litanya ni Rose, medyo napapataas na din ang boses nya sa inis.
Kulang na lang umusok na ang ilong nya sa galit pero walang pakialam si Poseidon tiningnan lang sya nito saka tumingin ulit sa bintana.
" Do you want me to massage your butt to soothe the pain? Just tell me, I will gladly do it. " he playfully asked her.
Nangigil na napasabunot si Rose sa sariling buhok sa sobrang inis, Konti na lang ay siguradong itutulak nya na palabas ng hellicopter ang asawa.
Napasandal si Rose sa upuan, pinipilit nyang kalmahin ang sarili, bukod kasi sa inis ay kinakabahan at naeexcite sya sa kalalabasan ng date nila. Kung iisipin ito ang unang date nila, masyadong naging mabilis kasi ang takbo ng relasyon nila, walang ligawan, ni hindi nga nila kinilala muna ang isat isa diretso kasal agad.
Nabuhayan ng loob si Rose ng magsalita na ang piloto ng helicopter.
"Ma'am, Sir We reach our destination"
Huh? Paanong nakarating na sila,Eh halos kasing taas pa ng isat kalahating building ang layo nila mula sa lupa. Hindi ba sila lalapag?
Nasagot ang kaguluhan sa isip ni Rose ng i-abot sa kanya ni Poseidon ang isang kulay berdeng parachute.
"T-teka wag mo sabihing tatalon tayo?" natatarantang tanong nya.
"yes, we have to jump to reach the island"
Halos lumuwa sa gulat ang mata ni Rose, sunod-sunod syang umiling saka lalong nagsumiksik sa upuan.
"Mendoza, suotin mo na to," utos ni Poseidon.
Mabilis na umiling si Rose, matino pa ang pag-iisip nya wala syang balak magpakamatay.
"susuotin mo to o hihilahin kita palabas ng walang suot na parachute?" may pagbabantang tanong nito sa kanya habang sinusuot ang sariling parachute.
Napalunok si Rose, walang syang nagawa kundi sundin ang lalaki takot lang nya na totohanin nito ang sinabi, nanginginig ang ang dalawang kamay at buong katawan nya habang sinusuot ang parachute. Gusto nyang maiyak, dahil nagsisi syang sumama pa sa lalaki
Damn! Kung alam ko lang na ito pala trip mo edi sana hindi ako nakipagdate sayo! For god sake! I hate heights!
Sigaw sa isip ni Rose, hindi sya makapagsalita dahil nagkakagulo ang isip nya sa takot, lalo syang nagpanic nang buksan na ni Poseidon ang pinto sa gilid nya.
Paano sya kung hindi bumukas ito tapos dirediretso syang bumagsak sa tubig o sa lupa o sa kung saan sya babagsak?
Paano kung magamit nga nya ang parachute tapos bigla namang lumakas yung hangin tapos kung saan saan sya dalhin?
My god! Hindi sya ibon! Hindi nya kayang lumipad!
Lalong kinabahan si Rose ng hindi nya makabit ng maayos ang strap,sinubukan nya ng sinubukan pero hindi talaga ito naglalock.
Napatigil ang kamay ni Rose sa pagpilit na makabit ang strap ng hawakan ni Poseidon ang nanginginig nyang kamay.
Nag-angat si Rose ng tingin, ngumiti si Poseidon sa kanya saka ito na ang nag-ayos ng parchute nya, habang abala ito, tinuturuan din sya nito kung paano nya bubuksan ito kapag nasa ere na.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceNow: "I will never love you... I will make your life like living hell Marrying me is your biggest mistake" Then: "If marrying her is just one of my wildest dream? I dont wanna wake up anymore. I dont know but fvck! ... i .. i love her .... i love...